Part 5: Drunk kisses

5.1K 133 3
                                    

"Akala ko mawawala ka ng isang buwan? bakit ang bilis mo naman umuwi" tanong ko kay Saint

Ngumisi ito "Bakit? ayaw mo ba akong makita Sister?" aniya at sumubo ng cake na inihain ko dito

Namula naman ang pisngi ko "Hindi ganun! Nag tatanong lang naman ako eh.." sabi ko dito at napa yuko nalamang

I heard him chuckle "Napaaga kasi biglang dumating ang ex girlfriend ko" aniya

Bigla naman uminit ang ulo ko sa sinabi nito. Ex? so hanggang ngayon may communication pa sila ng ex niya? Napa iling naman ako. Ex na nga eh, bakit pa niya babalikan?

I closed my eyes. Anu ba yan, sumasama na ang loob ko.

"Oh, bakit napa tahimik ka? Is there something wrong Sister?" tanong pa nito

I shrugged my shoulder "It's nothing. May naisip lang ako."sabi ko at bahagyang napakamot sa aking ulo.

Bigla naman niyang hinawakan ang pisngi ko at bahagyang ginilid ito. Nag taka naman ako sa ginawa nito kaya hinawi ko agad ang kamay niya. "What are you doing Saint?"

"What's with the bruce? May nanakit ba sayo?" tanong nito at marahang hinawakan ang parteng may pasa, napa ngiwi naman ako sa ginawa niya kaya napaiwas ako.

Hindi ko alam na may pasa na pala ako duon. Dahil siguro yun sa mahigpit na pag kakahawak sa'kin ni Marco kanina dahil sa pag pilit na halikan niya ako.

"W-wala ito" sabi ko

"Paano ka naman nagka pasa diyan?" He asked once again.

"A-ahh" thing Mary! "k-kasi nauntog ako sa pinto. kaya ayan, may pasa. " pag sisinungaling ko, at bahagyang ngumiti.

Oh gosh.. I just lied. This is clearly a bad idea

"Next time mag iingat ka. Hindi talaga ako makakapaniwala kapag mga madre o pare ang nanakit sayo dahil alam kong mga banal ang mga 'yun at maka-diyos" Aniya at tumawa

Napa iling nalamang ako sa kalokohang naisip ni Saint. Sa gitna nang pag kukwentuhan ay bigla nalamang tumunog ang telepono nito senyales na may tumawag rito.

"Hello?.. Yes.. We can eat outside for dinner.. No don't bother, It's my treat.. " tumatawa pa ito habang nakikipag usap sa telepono na ikinainis ko naman.

Ano ba naman yan! Lagi nalang ako nagagalit at naiinis.

"Okay, see you Shantey" paalam nito at pinatay ang telepono.

Umangat ito ng tingin sakin habang naka ngiti ng maluwang "O bakit ka naka simangot?"

Bigla naman akong napa iwas ng tingin, ni hindi ko manlang alam na naka simangot na pala ako. "Hindi kaya! Baka namimilikmata ka lang"

He pouted "Okay.. Mauuna na pala ako Sister, Malayo layo pa ang biyahe papuntang Maynila" Aniya at tumayo "Thank you for your time Sister, I really enjoyed it"

Tumango ako't ngumiti.

He turned his back and walked away. The thougt of him leaving because of a girl breaks me, and I don't know why.










Handa na sana akong pumikit para matulog nang biglang nay sunud sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Tumayo ako't binuksan ang pinto at nakita si Sister Rebecca.

"Bakit po Sister?"

"Tulungan mo naman kami. Mukhang lasing si Saint nung dumating dito. He keeps saying your name" sabi ni Sister

"N-Nandito po si Saint?"

"Oo"

Agad kong sinamahan si Sister para puntahan si Saint sa isang bakanteng kuwarto dito sa Ampunan. There I saw him drunk and half asleep. Napa iling nalamang ako na nadatnan.

"Where is Mary?!" sigaw pa nito.

Nilingon ko naman si Sister Rebecca, "Ako na po ang bahala kay Saint, Sister" sabi ko naman "Mag pahinga na po kayo, malalim na po ang gabi"

"Naku mabuti pa nga. Are you sure you can handle him?" tanong nito, tumango naman ako "Sige, mag ingat ka ha? Ang lakas pa naman ng tama niyan"

Agad kong nilapita si Saint nang makaalis si Sister Rebecca, sinarado ko na din ang pinto.

Umupo ako sa silya katabi lamang ng higaan ni Saint. Agad ko naman siyang pinunasan gamit ang twalya na may maligamgam na tubig.

"Who are you?" Saint asked

I smiled "Mary" sabi ko, bigla naman siyang napa ngiti at hinawakan ang kamay ko na ngayo'y pinupunasan ang bandang leeg niya.

"Bakit ka naman nag drive ng lasing? That's dangerous Saint, you shouldn't have done that. What if something happened to you? Edi Hospital ang bagsak mo niyan" sermon ko dito

"Nag aalala ka sakin huh" aniya

Pinisil ko naman ang matangos nitong ilong "Oo naman! Delikado kasi yun, ginawa mo pa. Ang kulit kulit mo" I chuckled

Bigla itong umayos ng upo at inilapit ang mukha sakin. Isang dangkal nalamang ang pagitan ng aming mga mukha. I was starring directly at his eyes. I saw him look at my lips.

"I'm sorry Sister.."

Walang pasabing hinalikan ako nito. Napa dilat ako sa ginawa nito. Pero kahit na ganuon ay hindi ako humiwalay sa halik nito. His lips are so soft, so sweet. He held me by my waist as I closed my eyes. Until his lips moved, his tongue seeking for entrance and so I opened my mouth.

His kisses moved. Bumaba ang mga halik niya saaking leeg. Minulat ko ang aking mga mata't nakita si Mama Mary na nasa altar at direktang naka tingin saamin. Para bang sinasabi nito na mali ang ginagawa namin, and me myself knows it too.

Itinulak ko si Saint. "T-this is wrong" I said and cried

"W-what's wrong Mary? Ayaw mo ba ang ginawa ko? Tell me?" tanong nito

Umiling ako "Mali ang ginagawa natin Saint.." agad akong tumayo ngunit hinawakan niya ang aking braso kaya napatigil ako.

"Don't go please.. Mary litung-lito na ako. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko sa'yo. But I care for you"

Tinanggal ko ang kamay nitong nakahawak saakin "Wag ka na mag pakita saakin pa Saint. I'm sorry"

Saint Montenegro [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon