Part 8: Make her mine

4.9K 113 1
                                    

Third Person's POV

Tinignan muna ni Saint ang kanyang repleksyon sakanyang rear mirror sa kotse. Iniayos pa nitong muli ang buhok nang may makitang may hindi nasa tamang pwesto.

'Yan, gwapo ko na' pagpuri pa na sabi nito sa sarili.

Kinuha niya ang boquet of flowers na kanyang binili bago dumiretso sa bahay ampunan. Ngayon niya kasi sisimulan ang pag susuyo kay Mary, kahit na ba'y mali ang kanyang ginagawa alam niyang sa puso niya'y tama ito.

He took a glance at his wristwatch, it's exactly 12 noon, paniguradong nasa canteen na ito at kumakain o di kaya'y nasa chapel nag dadasal para sa 12 o' clock prayer nila.

Sobrang laki ng ngiti nitong pumasok sa loob ng bahay ampunan. Nadatnan niya si Mary sa chapel, nangingiti habang pinag mamasdan ang maganda at maamo nitong mukha. He smiled.

Matiyagang nag hintay si Saint kay Mary. nang matapos ang pag dadasal nito'y agad siyang umayos ng tayo at ngumiti ng malaki. Isa isa nang lumabas ang mga madre, huling lumabas si Mary.

Nang makalabas ay nagtitigan lamang sila. Si Saint nama'y wala nang masabi at napili na.

"Ano'ng kailangan mo Saint? Wala si Sister Rebecca dito, bumisita siya sa isang eskwelahan" sabi nito kay Saint

Ngumisi naman si Saint "I-Ikaw ang pinunta ko Mary.." iniabot niya dito ang bulaklak "f-flowers?"

Tinitigan ito ng matagal ni Mary bago kinuha at napa buntong hininga. Tuwang tuwa naman si Saint nang tinanggap ni Mary ang bulaklak. "Para san naman ito?" tanong ni Mary

"My peace offering.." aniya, bahagyang kumunot naman ang noo ni Mary.

'Come on Saint! mag isip ka naman! ke lalaki mong tao!' sabi ni Saint sakanyang Sarili

"U-uhh, I just want to tell you that I'm not going to stop pursuing you. I-I love you Mary, and I know you also feel the same. Just give me time Mary, and I'll prove to you my worth"

Dahil sa sinabi na iyon ni Saint ay nanlambot ang puso ni Mary. Masaya siya, oo. pero patuloy pa ding nagugulo ang isip ni Mary. Laging sumasagi sa isip isipan niya na mali ito, ngunit patuloy padin ang pag tibok ng puso nito kay Saint. ano ba ang dapat niyang sundin? Ang kanyang isip o puso?

"Saint.." tawag nito habang nakatingin sa bulaklak na bigay niya "I told you to stop, ano ba'ng mahirap duon—"

"Hayaan mo nalang ako Mary" pag putol nito sakanya "Sabi nila kung nasaan ang puso ko, dun ako" napakamot si Saint sakanyang ulo at pinipigilang mapa ngiti sa susunod na sasabihin "E-eh nasayo yung puso ko eh.."

Nanlaki naman bigla ang mata ni Mary at kinilig sa sinabi nito. Napamulahan pa ito ng pisngi sa sobrang kilig. Oo kahit na corny ito, sobra sobrang ang kilig niya. Napaiwas naman ng tingin si Mary dahil dito.

"T-tumigil ka nga!" aniya

natawa naman si Saint "Tumigil? eh namumula kana nga diyan eh" pang aasar pa nito

"Basta! tumigil kana. Mali ito Saint, you should know that"

"Puro ka mali! Hayaan mo nalang kaya ako? I just want to show you how much I love you. Then maybe.. maybe you'll realize how much you love me too"

Saint Montenegro [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon