Part 4: He returned

5.1K 130 4
                                    

Tuwang tuwa ako ngayon dahil Lunes nanaman. Ngayon ang araw na bisita ni Mama. Madalang lamang ako dalawin ni Mama dahil nga malayo pa ang pinaggalingan nito. Nasa Tarlac si Mama at ako naman ay nandirito sa Mandaluyong. Halos dalawang oras din ang biyahe nito.

Agad hinanap ng aking mata sa cafeteria si Mama. Nang mahanap ay agad ko itong pinuntahan ng may malaking ngiti sa labi. Naka talikod ito saakin at paniguradong hindi niya ako makikita. Napansin ko naman ang isang lalake na katabi nito kaya napa kunot nalamang ang noo ko. Sino naman kaya ito? Hindi naman kasi madalas nag dadala ng kasama si Mama.

"Ma!" tawag ko dito. Napa lingon ito sa direksyon ko at agad na tumayo mula sa pag kakaupo.

Mahigpit ko itong niyakap, "Miss na miss kita Mama!" saad ko dito

Bumitaw kami sa yakap. Agad hinawakan ni Mama ang mukha ko "Ako din anak, miss na kita. At parang nangangayayat ka ata? Kumakain kaba ng maayos?" nag aalalang tanong nito

Ngumiti naman ako "Oo naman Ma"

"Naku siguraduhin mo ha? At saka nga pala.." hinawakan ni Mama ang kamay ko't iginiya sa upuan "Si Marco nga pala.." anito

Bigla namang umangat ng tingin ang lalaki, bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"M-Marco?" biglang sabi ko "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

Ngumisi naman ito at napakamot sa batok "B-binibisita ka lang. Kamusta ka na?"

"Ayos lang naman, ikaw ba?"

"Ayos lang naman din. At mag mamadre ka na pala? Ngayon ko lang nalaman" anito

Ngumiti naman ako dito "Oo, kaunting panahon nalamang at magiging ganap na madre na ako" masayang tugon ko dito

"Mabuti 'yun!"

"Ikaw ba? anong pinag kakaabalahan mo ngayon?" muling tanong ko

"Manager ako ngayong ng isang fast food chain. Hindi natuloy ang pagiging doctor ko dahil kapos sa pera" tugon nito

Tumango tango naman ako. Kung ganun ay matagal na pala itong tumigil sa pag aaral? Sayang naman.

Naalala ko pa nuong elementary kami, matagal nang gusto ni Marco ang maging isang doctor. Kababata ko si Marco at naging manliligaw din ngunit pinahinto siya ni Mama sa pag suyo sakin dahil nga sa gusto nitong pangarap saakin.

"Oh ito pala anak, dinalhan kita ng paburito mong Kare-Kare at ginataang bilu-bilo, kumain ka na" sabi ni Mama at binigay saakin ang lalagyanan ng pag kain at sabay sabay kaming kumain.

Nag kuwentuhan pa kami habang kumakain at nag tawanan pa sa mga corny-ing joke ni Marco.

Habang nag kkwentuhan ay nag yaya si Marco kung pupwede bang mag usap kami ng pribado, syempre ay pumayag ako. Iniwan namin saglit si Mama habang ito'y may kausap na kaibigan.

Pumunta kami sa secret garden dito lang sa Bahay Ampunan. Wala masyadong nakakaalam ng lugar nito maski ang mga bata, kaya pwede kaming mag usap dito.

"Ano pala ang sasabihin mo?" tanong ko dito

"Mary.. wag ka sana magugulat sa sasabihin ko" saad nito, tumango naman ako

"Mary gusto pa din kita" anito

Bigla naman akong napa tingin dito at walang imik.

"M-Marco.. ano bang pinag sasasabi mo?"

Lumapit ito sa'kin at hinawakan ang kamay ko "Please Mary.. umalis ka na dito. Pupwede namang maging tayo eh"

"Nahihibang kana ba? Hindi yang pupwede Marco!"

"Please Mary.." binitawan nito ang kamay ko at pilit na hinahalikan ako pero naitulak ko ito ng malakas.

"Nababaliw kana Marco! I'm sorry but I can't do that.."

"Mahal na mahal kita Mary.."

"If you really love.. then let go. I-I can't love you. I'm sorry.."

"Mary—"

"Just go!"

Tumalikod ito at nag lakad paalis. I embraced myself and cried. Ano bang nangyayari sa'kin?







I was busy watering the plants when someone hug me from the back. "Hi Sister.." nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon kaya agad akong napaharap.

It's Saint!

"A-ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Saint?" sabi ko dito

He smirked "Hugging you?" pilosopo nitong sagot

I sighed "You can't just do that Saint. baka mamaya kung ano na ang sabihin nila"

Nag kibit balikat ito "So what? I'm just hugging you, maliban nalang kung binibigyang malisya mo iyon" sabi pa nito

"Hindi Saint. I-I'm just being careful, lalo na't.."

"Lalo na't ano?" kyuryosong tanong nito. Umiling ako't napa tingin naman ako sa mga mata nito. Napa buntong hininga ako, Oh Saint. If you only know what I'm feeling right now.

Tinalikuran ko ito't nag patuloy sa ginagawa ngunit bigla nitong hinawakan ang kamay ko na lalong nag pa bilis ng tibok ng puso ko.

"May gusto ka bang sabihin sa'kin Mary?" tanong nito

Umiling nalamang akong muli.

"Sigurado ka?"

"O-oo naman, ikaw? may sasabihin ka pa ba?" tanong ko dito, marahan itong umiling at masuri akong tinignan.

Saint Montenegro [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon