Part 22: Shantey

3.8K 94 4
                                    

Time pass by blissfully. It's been a month since. John will soon be going to school next school year, excited naman ito at hindi na makapag hintay na pumasok ng eskwelahan.

Nakabili na din si Saint ng aming bahay at nag hire na din kami ng personal yaya ni John, para naman kahit papaano ay mayroon akong kasama dito sa bahay at matulungan ako sa mga gawain bahay. Malaki ang nabiling bahay ni Saint kaya naman libreng magtatakbo si John kung saan saan.

"Ate may nag hahanap po kay Sir Saint sa labas. Kaibigan daw po siya" sabi saakin ni Andy, ang katulong namin na 19 years old pa lamang at single mom.

Tumigil ako sa pag babake at hinarap siya "Ano daw ang pangalan?" tanong ko

"Shantey Mariz daw teh" anito, bahagyang kumunot naman ang noo ko.

"Sige, pupuntahan ko nalang siya. Ikaw na bahala dito. Sabihin mo na din kay John na kumain siya pagka baba niya" bilin ko dito, tumango ito at agad na akong dumiretso sa living room.

Nadatnan ko siya na nakaupo sa sofa namin. Parang namumukaan ko siya. Ganun nalamang ang panlalaki ng aking mga mata nang matandaan na siya ang kasamang babae ni Saint nuong nasa Mall kami. Siya pala si Shantey?

"A..Anong kailang mo?" tanong ko dito. nilingon ako nito. Nakita ko naman ang pagtataka nito.

"I'm here for Saint, and who are you? ikaw ba si Mary?" she asked and I nodded as an answer. "You look familiar, have we met before?" she asked

"O—" bago pa ako makasagot ay pintulo na niya ako

"Oo! Ikaw yung babae sa Mall! Teka.. nasaan na yung anak ninyo ni Saint? Kailan—"

"Ano ba'ng kailangan mo? Wala dito si Saint kung siya ang punterya mo" putol ko sakanya.

Bumuntung hininga ito at tumayo, "I just want to give him something personally sana. Kaso wala siya dito" anito

"Saakin mo nalang ibigay, ako na mag aabot sakanya. Mamayang hapon pa kasi siya uuwi" sabi ko dito

Tumango ito at kinuha ang isang invitation mula sakanyang bag at naglakad papalapit saakin at iniabot ito. "It's my wedding next week. And I want to invite Saint and his family. Kasama kayo. Sana makapunta kayo" nakangiti nitong sabi.

Kinuha ko ang invitation. Kenneth & Shantey's wedding.

"Sige, pupunta kami. salamat pala sa pag iimbinta" sabi ko

"You're welcome! And nga pala, I'm sorry if I told you before that Saint is my fiancé." paumanhin nito

"Ayos lang, sana sa susunod ay huwag mo nalamang sabihin iyon. Nag away kasi kami ni Saint dahil duon. Pasensya na din"

"Sige, mauuna na pala ako Mary" paalam nito ngunit pinigilan ko siya

"Kumain ka muna dito, nag luto din ako ng pagkain. Kung gusto mo lang naman" pag aanyaya ko sakanya, sumilay naman ang ngiti sa labi nito.

"Sige, salamat"





Nag kuwentuhan kami ni Shantey habang kumakain. Nasabi din niya na naging girlfriend siya ni Saint, ngunit hindi din sila nag tagal dahil ayaw sakanya ng Papa ni Saint. Even after the broke up, they still remained as friends.

"Ilang months na pala ang baby mo Shantey?" I asked her

Napahawak naman siya sakanyang tiyan na mayroon ng umbok, "one month palang naman" aniya

Kumunot ang noo ko, "Parang ang laki ng tiyan mo para sa two months." kumento ko naman

She chuckled "Oo nga eh, akala tuloy ng iba limang buwan na akong buntis. Baka nga daw kambal ang anak ko" aniya "Eh ikaw? gaano na pala kayo katagal ni Saint? Ngayon lang kita nakita, at may anak na kayo!" aniya

Natawa naman ako sa reaksyon niya, "Ilang buwan palang naman kami. And John is not my biological son. We adopted him" paliwanag ko.

"Kaya pala. Pero that's nice. Nagawan ninyo ng kumpletong pamilya ang bata. Nakaka proud ang mga ganuong magulang" aniya.

"Salamat"

"It's amazing how you make Saint fell in love once again."








Mag 7 pm nang makarinig kami ng busina ng kotse mula sa labas. Tumayo ako sa sofa kung saan kami nakaupo ni Shantey at nanunuod ng Harry Potter part 4, Goblet of Fire. "Buksan ko lang yung pinto" paalam ko sakanya, tumango lamang ito ay patuloy na kumain ng ice cream na pinabili kay Andy dahil nag lilihi siya.

Nang maipark ni Saint ang kanyang kotse sa garahe ay hinintay ko siyang lumabas.

Sinalubong ko siya ng ngiti, "Hi!" bati ko sakanya.

Kumunot naman ang noo niya, "Hi lang? Walang kiss or hug?" aniya

nataw naman ako "Suuuus, ito na po" sabi ko bago tumingkayad at hinalikan siya sa labi. He smiled "Better" anito

"Nandito pala si Shantey" sabi ko sakanya

"Ano daw gagawin niya?"

"Kanina pa siya dito, nakipag kuwentuhan lang ako sakanya saglit. Inabot niya yung wedding invitation" sabi ko

Nakaakbay siya saakin nang pumasok kami sa loob ng bahay, napatayo naman si Shantey nang makita kami. Sinalubong niya si Saint ng mayroong malaking ngiti sa labi habang may kutsara ng icecream sa bibig.

"Nice to see you here Shantey, how did you know where I am?" Saint asked

"Duuh, of course galing kay Tita. You never mentioned to me about buying a house. Nice choice by the way"

"Ilang araw tayo hindi nag kita paano mo malalaman?"


Sinundo din si Shantey ng kanyang fiancé. Hindi daw ito nag paalam na aalis at nag kaalitan pa daw ang dalawa, the night before. Nag bati naman agad sila, masyado lang daw pabebe itong si Shantey at gustung-gustong sinusuyo. Napapailing nalamang ako sa kakulitan ng dalawa and at the same time ay kilig.

Naramdaman ko naman ang yakap ni Saint saakin mula sa likod nang makaalis ang sasakyan ni Jason—fiancé ni Shantey.

Isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg at naramdaman ang mainit niyang pag hinga. "Ano nanaman ang gusto ng aking boyfriend?" tanong ko.

He chuckled "Let's make a baby? Gayahin natin sila" aniya

bahagya ko itong hinampas sakanyang braso, "Pakasalan mo muna ako Mr. Montenegro"

***
can I have some votes and comments? para malaman ko kung may nag babasa pa nito. I need your support guys :(

Love you! mwah

Saint Montenegro [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon