3 days later..
Agad kong sinuot ang tsinelas at bumaba dahil may nag doorbell. Sinilip ko muna sa peephole kung sino iyon, The girl was wearing a pair of shades and mask on, kaya hindi ko masyado makita ang mukha nito. Binuksan ko ang pinto ngunit hindi ganuon kalaki ang espasyo.
"Sino po sila?" tanong ko
"I should be the one asking you that iha, what are you doing in my son's condo unit? Who are you?" tanong nitong pabalik
Nanlaki naman ang mata ko. Oh no. Agad kong binuksan ng tuluyan ang pinto "Nako pasensya na po, hindi ko po alam na kayo po pala ang nanay ni Saint" paumanhin ko.
Hindi niya ako pinansin at nag tuloy tuloy lang sa living room area. Inilagay ang maliit na bag sa table at inialis ang shades leaving her mask on.
"What's your name?" She asked
"Mary Sandoval po" sagot ko naman at napalunok sa kaba. Thoughts were coming to my head. Palalayasin niya kaya ako? Ano kaya ang impression niya saakin?
"Sandoval, hmm. Your name sounds familliar, I think I heard it somewhere" aniya, kumunot naman ang noo ko "Are you somehow related to Christian Sandoval?"
I nodded "Yes po, He's my father"
Nanlaki ang mata nito "Oh! Kaya pala pamilyar ka. And I'm sorry for your father's loss, he's an amazing architect"
"Thank you po"
Lumapit ito saakin at inilagay ang parehong kamay saaking mukha "You look so much like your father. Are you taking architecture too?"
"Hindi po eh. Pero pumasok po ako ng kumbento, but I quitted" sabi ko naman
"Convent!?—" naputol ang sasabihin nito nang biglang may sumigaw
"Mama! what are you doing to her!?" Saint came rushing down to me. He cupped my face "Sinaktan ka ba ni Mama? tell me!" lumingon ito sakanyang ina "Ma! bakit mo siya sinaktan?"
Hinampas naman siya ng nanay nito kaya't napadaing sa sakit si Saint. "How dare you accuse me? Tingin mo ba mananakit nalamang ako ng babae?"
Hinarap ito ng maayos ni Saint "Ma naman, lagi mo ba naman sinasaktan lahat ng babae kong bisita" aniya
"Panong hindi? They're disrespecting me, lagi ka kasi nag dadala ng babae dito sa unit mo."
"Pero iba si Mary ma.."
"I know. I was so schocked when she told me she entered the convent. Pero wala naman akong ginawa sakanya.." lumingon saakin ang mama niya "Right dear?"
Ngumiti naman ako "Opo"
Tanghalian na at ako ang nag luto habang si Saint at si Tita Morysette—Saint's mother—ay nag uusap sa dining area. I decided to cook Sinigang na hipon and Lechong kawali with green mangoes dahil iyon ang paburito ni Tita Morysette.
Nang matapos ay inihain ko na ang mga pagkain, sinama ko na din ang fresh mango juice.
"This smells good iha, pwede ka maging chef" aniya
"Thank you po Tita"
Habang kumakain ay hindi ko mapigilang matawa dahil sa mga kwento ni Tita tungkol kay Saint. Ipinakita din saakin ni Tita ang ilang baby pictures ni Saint na nasa telepono nito. Natatawa naman ako dahil hiyang hiya si Saint sa mga letrato niya. But I find it cute. He's a chubby baby, mapupula din ang cheeks nito.
"And before I forgot, girlfriend ka ba ni Saint, Mary?" tanong ni Tita Morysette, bigla namang napasamid si Saint at ako naman ay nanlaki ang mata
"N-nako hindi po Tita" sabi ko naman
"Where did you get idea Ma?" tanong naman ni Saint
"You live together! don't tell me buntis itong si Mary? Hay nako Saint, kailan ka ba titino? Hindi kita ipinanganak sa mundong ito para mambuntis—"
"Ma, I was made to make babies" sagot naman ni Saint sabay tawa
Hinampas naman ni Tita si Saint "Bastos ka talagang bata ka. So ano na ba ang score sainyong dalawa? May label o wala?"
Bago pa makasalita si Saint ay inunahan ko na ito "Hindi po kami Tita. Mag kaibigan lang po kami ni Saint. Wala naman po akong nararamdaman para sakanya" Hindi ko alam bakit lumabas iyon sa bibig ko.
"Oh.. I thought" Tita shrugged his shoulders "Nevermind. But I really like you for Saint. Knowing your father, I know you're a good daughter"
I smiled "Thank you po Tita"
After our conversation ay bigla nalamang nanahimik si Saint. Hanggang sa nag paalam ang nanay nito ay wala itong kibo. Kakausapin ko na dapat siya kaso bigla itong umakyat sa kwarto kaya naman sinundan ko ito.
I saw him in the balcony, with his cigarette. Kumunot ang noo ko.
"Saint, ayos ka lang ba?" tanong ko dito at lumapit sakanya
"Yeah"
"Sigurado ka? Kanina ka pa walang imik. Nag aalala na ako para sayo—"
"Nag aalala? tsk" Tinignan ako nito "Mag kaibigan lang tayo. At diba wala ka namang nararamdaman para saakin?" aniya
Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. So dahil pala duon sa sinabi ko kaya siya nag kaganyan.
"Dahil lang dun Saint?"
"Oo! Dahil dun! Alam mo namang gusto kita diba? Mahal kita. mababaw, oo. Pero naiinis ako! Nagagalit ako! All this time.. I thought.. I thought you also felt something for me. Something special. Akala ko mahal mo na din ako."
Tumingin ako dito "I'm sorry. I'm sorry for hurting your feelings."
"Now tell me Mary.. may nararamdaman ka ba para saakin? kahit konti?" tanong nito
Tinitigan ko lamang ito.
He smirked "I knew it. Ako lang pala ang nag mamahal saating dalawa. F^ck!" Tumalikod ito at pinag patuloy ang paninigarilyo.
I sighed. Lumapit ako dito at niyakap siya mula sa likod. I felt his body stiffened.
"I-I love you Saint.." and I'm sure of it
Matagal tagal ko na din pinag iisipan ang nararamdaman ko para kay Saint. At ngayon na nalaman ko na mahal ko siya ay sobrang saya ko. Wala nang hahadlang pa saamin. Wala na.. Sana lang ay tanggapin ni Mama ang desisyon na aking pinili.
Bigla itong umikot upang makaharap ako "P-pakiulit nga"
"I love you Saint.."
"Oh gosh, I love you more" He said before kissing me. His kisses were soft. It's full of love. And I love his kisses.
We broke the kiss, ngumiti kami sa isa't isa. "I love you" sabit nito at niyakap ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Saint Montenegro [UNDER REVISION]
General Fiction*Got the cover off pinterest* Highest Ranking: #36 in Faith 08/14/18 Highest Ranking: #95 in Faith 06/10/18 Highest Ranking: #24 in Faith 09/06/18 Highest Ranking: #17 in Fate 10/24/18 Highest Ranking: #11 in Fate 10/26/18 Highest Ranking: #9 in Fat...