Part 18: Adopt

4K 106 1
                                    

"Sister Mary!" tumatakbong sabi ni Daisy at sinalubong ako ng yakap. I hugged her tight and lifted her up. "I missed you po!" aniya

Natawa naman ako "I missed you too Daisy, kamusta kayo dito?" I asked

"Okay lang po, and I have to tell you something!" aniya

Kumunot ang noo ko "Ano yun?"

"May mag aampon na po saakin! Excited na po ako! May pamilya na ako Sister Mary! " anito

Ngumiti naman ako ng maluwag "Mabuting balita yan Daisy, kailan ka naman balak kunin?"

"Mamaya po dadating na ang mag aampon saakin dahil didiretso kami sa Amerika! May snow daw po duon Sister!"

Nalungkot naman ako sa sinabi nito. Nakaka lungkot isipin na aalis si Daisy, siya pa naman ang isa sa paburito kong bata dito sa ampuna. Agad ko itong niyakap ng mahigpit. Tumingala ako upang hindi tumulo ang nag babadya kong luha.

"M-mamimiss kita Daisy. Bibisita ka dito ha?" naluluha kong sabi

"Opo Sister Mary, ikaw po ang the best kong Mommy! I love you po Sister"

Nag kwentuhan pa kami saglit ni Daisy bago ko natanong si John at hinayaan makapag paalam si Daisy sa mga kalaro nito mapuntahan ko na din si John sa kwarto nito. Sabi nito, palagi na daw naka kulong duon si John mula nuong umalis ako at lumalabas lamang kung kakain.

Kumatok muna ako sa pinto ng kwarto ni John ngunit walang sumasagot kaya't dumiretso na ako sa loob.

"Will you just leave me alone?" singhal pa nito. Napa ngisi naman ako at umupo sa dulo ng kama nito na hindi naman ganuon kalaki. Natatakpan ng unan ang mukha ni John kaya hindi ko siya matignan mabuti.

"John?" tawag ko dito. Agad naman itong napa upo nang marinig ang boses ko.

"Sister Mary? You're back!"

"Balita ko hindi ka na daw lumalabas sa kwarto mo. Tignan mo tuloy, ang dungis mo na. Naliligo ka pa ba?" natatawa kong tanong. Namula naman ang tenga nito.

"O..Of course I do!" anito

"Oh Mabuti naman. Kamusta ka naman dito?" tanong ko dito

"I'm fine, now that you came. Aalis ka po ba ulit?" tanong niya

Nalungkot naman ako "Oo John" sagot ko

Kumunot ang noo nito at nag simulang umiyak "I knew it. Iiwan mo din ako! I hate you. Lagi nalang akong lonely, umalis ka na! Don't come here again!"

Pinunasan ko ang mga luha nito "You know, before I left. I promise myself two things, do you know what it is?" iling lamang ang sagot nito

Ngumiti ako "First, I promise to be happy. Gagawin ko lahat ng bagay na maka pag papasaya saakin at sa mga taong mahal at nasa paligid ko. And second, I promise to give you a family"

"What do you mean?"

Itinaas ko ang brown envelope na kanina ko pa hawak hawak at ipinakita sakanya iyon. "I'm adopting you John, And I'm now your mother"

Lalo itong naiyak, yumakap ito saakin ng naka ngiti. "Thank you po! I love you! Akala ko po iiwanan mo na ulit ako" aniya

Natawa naman ako at agad siyang niyakap pabalik. Hinalikan ko ang ulo nito. "Hinding hindi kita iiwan John, lalo na't pamilya mo na ako! Kaya simula ngayon, gusto ko nang tawagin mo akong Mama or Mommy"

Humiwalay ito sa yakap at sunod sunod na tumango. "Opo Mama"

"Halika, mag empake na tayo, aalis na tayo ngayon!"

Tuwang tuwa naman si John habang nag eempake ng gamit niya, pati nga ang mga teddy bear nito ay hindi nakalimutan.

Nang matapos ay agad naming pinuntahan si Saint. Tinawag ko ito at agad namang lumingon saamin. Tumakbo papalapit si John sakanya.

"Tito Saint! miss ko kayo!!" sinalubong niya si Saint ng isang malaking yakap at kinarga siya ni Saint.

"Namiss din kita John"

"Mommy ko na po si Mama Mary!" kwento nito kay Saint

"Yup! at ako naman ang iyong magiging Papa!" aniya

"Talaga po?" tumango si Saint, niyakap naman siya ng mahigpit ni John "Thank you po Papa!"



Nag kuwentuhan pa kami saglit at nag kamustahan bago kami umalis. Pagod na pagod si John dahil sa mag hapong pag lalaro kaya nakatulog ito sa kotse.

Habang nasa daan ay inabot ni Saint ang aking kamay. Nilingon ko ito at napansing nangingiti ito.

"Ano nanaman meron?" tanong ko

Tumikhim ito "Babe? alam mo, busy tayo. Hindi na tayo masyado nag uusap. At miss ko na yun.."

Tinaasan ko ito ng kilay "Yung?"

Imbis na sumagot ay ngumuso ito.. hmm, mukhang alam ko na ang gusto ng baby ko ha. Pero dapat pakipot mode ako.

"Ano? Ano yung namimiss mo hmm?"

"Yung kiss mo"

Natawa naman ako sa sinabi nito. "Nag mamaneho ka Saint, stop muna yung landi"

"Pleaseee?" naka nguso pa nitong sabi, umiiling naman na humilig ako sakanya upang mahalikan ang labi niya.

"Why are you eating Papa's lips Mama?" nang marinig ang boses na iyon ay agad akong napabalik sa pwesto ko. Nilingon ko si John na ngayo'y gising na. Marahil ay dahil sa ingay ng mga kotseng bumubusina ito nagising.

"Ahh.." ano bang sasabihin ko?

"Mama's not eating my lips son. We're kissing. You do that if you love someone" Saint explained saving me from our son.

Tumango tango naman si John na nilingon ako at ngumuso "Kiss ko Mama?"

Saint Montenegro [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon