13

41 6 0
                                    

Lyvie's Pov

Something is definitely up. I know Rainer and Atrena planned this. Matagal na nilang plano to eh.

"Pwede bang tulungan mo nalang ako magayos dito? Hindi yung lakad ka ng lakad dyan. Kahilo ka eh" sabi ni Jayver na inaayos ang damit niya

"Aish! Sinadya talaga nila to eh" dabog ko

"If you wanted to change rooms so badly then why don't you just go?" Sabi ni Jayver kaya bigla akong natigilan.

"I mean, its not that I don't want to be wi---"

"But I'm a guy and I'm sharing a room with you? Is that correct?" Sabi niya

Ayoko naman magmukhang maarte, eh si Kari nga kasama niya yung Dariz na yun sa isang kwarto. Tapos si Zill kasama si Jiane.

"You know what, its fine" sabi ko at humiga sa kama

"Are you sure? I'll call Kari for you" sabi niya

"I'm fine Jay, tatlong araw lang naman eh" sabi ko sa kanya

"Sabi mo eh" sabi niya

Pagkatapos niya magayos ng gamit ay nagshower na siya. Pagkatapos niya naman, ako na ang sumunod.

Pagkalabas ko ng cr ay nadatnan ko si Jayver na natutulog na sa sahig.

Ang tigas ng ulo, sabi ko tabi na kami eh. Wala namang malisya eh. Humiga na ako, at bago makatulog ay nakatitig lang ako sa kanya ng ngapakatagal.

Napangiti ako bigla. Minsan iniisip ko katalagang manhid siya. O talagang ayaw lang niya sa akin.

Ilang taon na pero kahit anong gawin ko hindi naman mawawala agad agad tong nararamdaman ko eh.

Hindi ko nga alam kung mawawala pa ba to. Masakit dahil minsan pakiramdam ko ang cold niya sa akin pero wala naman akong magagawa.

Aasa nalang ako dahil alam kong wala naman patutunguhan kung sasabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko

Aasa nalang na balang araw, baka lang...baka lang naman...

Na mahalin din niya ako.

At kung di man niya ako mahalin pabalik. Mamahalin ko parin siya at magiging masaya para sa kanya.

Basta masaya siya, basta okay siya. Kahit hindi man ako yung maging rason. Kahit gustuhin ko man na ako ang maging rason. Wala na akong magagawa.

But please destiny...nakikiusap ako sa tadhana...

Gusto ko na maging masaya. Sawa na ako sa buhay na ganito. Na puro iba nalang ang iniisip ko kesa sa akin.

Please let me be selfish this time. Let me be happy, just this once.

My body finally cooperated and I fell asleep.

Nagising ako at agad na hinanap si Jayver at nakita na natutulog pa siya.

Tumayo na ako at inayos ang kama. Nagtoothbrush ako at nagshower na ako agad.

Nagsuot lang ako ng sky blue na sweater at pantalon. Nang matapos na ako sa lahat ng gagawin ko, dun palang nagising si Jayver.

"Good morning" bati ko sa kanya

"Morning" sabi niya at dumeretso agad sa Cr.

Lumabas ako at nakita si Kari na kakalabas lang din ng kwarto.

"Hey" bati ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin

"How's your sleep?" She asked

"Just fine" I answered

Just another lonely girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon