18

51 5 0
                                    

Sinuot ko ang damit ng bigay sa akin ni papa. Ang tshirt na binili namin sa divisoria at ang jacket na binigay niya sa akin. Suot suot ko din ang kaisa isa kong rubber shoes na bigay din  niya at ang halos sira nang necklace na binili rin namin.

Nagponytail ako kahit naiinis ako kapag nakatali ang buhok ko. Ayaw kasi ni papa yung magmumukha akong sabog.

"Ma, makikipagkita lang ako kay papa" sabi ko at bago pa siya makaangal ay agad na akong tumakbo palabas.

Sumakay ako ng jeep papunta sa Isetann. Trapik nga ang papunta dun at medyo nainip ako pero kaya ko namang magtiis.

Nang makarating ako dun ay agad itong nilibot. Bumili ako ng noodles mula sa noodle king, isa para kay papa, isa para sa akin. Inilagay ko yun sa plastic at bumili rin ako ng mumurahing tshirt para sa kanya.

Lumabas na ako ng Isetann at buti na lamang ay may taxi. Bihira kasi ako makakita ng taxi dito.

"Saan po kayo mam?"

"Eternal Gardens Memorial Park po" sagot ko naman

Matagal tagal ang byahe pero dahil nagmusic trip ako ay hindi ko na rin napansin ang oras.

Nang makarating ako dun ay pinuntahan ko agad kung nasaan siya. May private cementary lot kasi sila papa kaya naman heto ako at hinahanap ang apelyedo nila sa taas ng mga iba pang plots.

Naalala ko tuloy dati, nililibot namin ang lugar na ito ng mga pinsan ko tuwing death anniversarry ni lolo.

Nang makita ko na ang private lot namin ay agad akong binati ng ilang tao na nanduon din.

Ang mga pinsan ko, at ang mga tita at tito ko.

Binati nila ako ng isang mapait na ngiti at niyakap ako.

Nakita ko din ang mga half siblings ko ngunit nahihiya ako na lumapit sa kanila.

Nang makita nila ako ay agad din naman nila akong binati at lumabas.

May mga kandila at mga pagkain sa paligid. Sigurado ay papakainin na naman nila ako mamaya.

Kung dati, tatlo lang ang puntod dito, ngayon ay apat na.

Hindi ko mapigilan ang luha ko ng makita ang picture ni papa.

"Papa, nandito na ako. Alam mo ba dinalan kita ng noodle king at binilan din kita ng tshirt sa Isetann"

"Diba dati bago tayo pumuntang greenhills, lagi tayo pupuntang Isetann para magmeryenda?"

"Tapos minsan bibili tayo ng kung ano ano, ako nalang kasi lagi mong binibilan kaya binilan kita ng tshirt"

"Tapos alam mo ba, suot suot ko din yung tshirt at rubber shoes na binili mo sa akin? Alam mo kahit medyo sira na nga, sinusuot ko pa rin"

"Alam mo ba, tumakas lang ako kasi alam mo naman na hindi ako papayagan ni mama"

"Pa, miss na miss na kita. Alam mo bang kanina ko pa pinapakinggan yung mga favorite songs mo?"

"Ang daya daya mo kasi eh"

"Sabi mo...sabi mo pa...sabi mo" hindi ko na nakaya and cried so hard that my cousins heard and went here.

Lagi nalang nangyayare to pag nagkikita kami ni papa.

"Sabi mo pa...sabi mo"

Sabi mo pupunta tayo sa greenhills. Sabi mo manunuod tayo nung christmas show dun, sabi mo kakain tayo ng kung ano ano dun. Sabi mo yun sa akin.

Pero bakit nawala ka na bago pa tayo pumunta dun? Promise mo yun sa akin. Bakit nawala ka agad? Bakit?

Pinakalma ako ng mga half siblings ko and it worked.

Just another lonely girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon