19

61 6 0
                                    

"Uy Atrena, sorry nga pala dun sa nangyare sa bahay nung isang araw. Babawi nalang ako sayo"

"Ano ka ba? Wala yun. Naiintindihan ko naman"

"Hindi, hindi ako mapapalagay nyan no."

"Okay nga lang, wag mo na alalahanin yun"

"Nope, tomorrow susunduin kita. Its my treat!"

"Hala sigurado ka ba dyan?"

"Oo naman, wag ka na mahiya"

"Sige na nga, like what you said, libre mo, kaya wag kang umasa na maglalabas ako ng pera"

"Wow lang ha, sige."

"Bye"

Binaba ko na ang tawag at binato ang cellphone ko sa kama at tsaka humiga.

Today is a pretty tough day.

Nabalitaan kasi namin na kaya pala hindi nagpaparamdam itong si Jayver, ay dahil nagpunta na ito ng ibang bansa. 

Aba shempre ito namang si Lyvie na sawing sawi at nagluluksa.

Sobrang hirap para sa akin na makita siyang umiyak.

Sabi pa nga niya, kung kelan may chance na siya, kung kelan naman umalis si Jayver.

Okay sana kung nagpaalam siya eh. Okay sana kung sinabi niya. Pero hindi eh. Biglang isang araw, nalaman nalang namin na nasa ibang bansa na siya.

We don't know why, and when we went to his house, wala nang tao at ang mga kapitbahay nalang nila ang nagsabi na wala na sila.

We tried to reach out to him through online but he deleted all of his social media accounts.

Mababahiran na naman ng lungkot kaming mga magkakaibigan.

It was unfair to us, especially to Lyvie. We need explainations. We need reasons. We need answers.

But sometimes, we won't get what we wanted.

Isn't that how the world works? Yung tipong nasayo na, masaya ka na tapos sa isang iglap biglang mawawala nalang.

Yung feeling na, kinuquestion mo na ang lahat pero kahit naka isang libong tanong ka pa dyan, hindi mo parin makukuha yung sagot mo.

Para sa akin ang sakit nun. Yung akala mo okay na tapos biglang hindi. Yung hindi mo alam yung gagawin at kahit pilit mong alamin kung anong gagawin mo ay hindi mo parin alam. Nakakapagod.

Hindi ko muna sila kakausapin. I know they also need some space to think. Especially Lyvie. At times like this, usually dapat magdamayan kami.

But we're unlike those people. All of us are broken. With different stories, with different experiences. We try to fix ourselves.

Parang glass lang. Kapag nabasag mo, pwede mo namang irugby ulit o pwede namang itape ulit.

Pero isang maling galaw lang, pwede ulit masira. Ganun kaming tao.

We know each other's experiences kaya masyado kaming sensitive sa isat isa.

So it would be better if, medyo nasa tamang pagiisip sila kapag kinausap. Same with me. Plus to be real, I don't know how to comfort someone. For real.

Maybe hanging out with Dariz tomorrow would be great. Para makalimutan ko naman yung mga problema naming magkakaibigan kahit saglit lang.

Pinuntahan ko si mama para magpaalam. Akala ko nga hindi siya papayag pero sabi ko susunduin naman ako kaya napapayag din siya.

Just another lonely girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon