Narinig ko ang huni ng mga ibon, hindi ko 'to pinansin dahil narin kulang ako sa tulog, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, dahan-dahan din akong bumangon , kinusot ko ang mata ko at tumingin banda sa bintana at nakitang mag uumaga na, tumayo na'ko at nag inat inat bago dumiretso sa banyo.
Pag katapos kong maligo sinuot ko na ang uniforme kong pantrabaho at inayos ang mukha ko, nilagyan ko lang ng lip balm ang labi ko at pulbos.
Hindi na'ko kumain ng almusal dahil na rin mag a alas jis narin ng umaga, kinuha ko na ang backpack kong tanggal tanggal na ang sinulid dahil narin sa kalumaan, dumiretso ako sa pintuan para lumabas nilock ko muna ang pinto para walang pumasok mahirap na ayoko pa naman mawalan ng pera.
Pumunta ako sa malapit na terminal ng jeep at dumiretso sa loob ng jeep sumakay na'ko at nakisiksik sa mga pasahero, malapit ako sa driver kaya napadali ang pag aabot ko dito ng bayad. Dumungaw ako sa bintana at pinanood ang mga bahay, puno, tao na mabilis mawala "Ang bilis naman mag maneho ni manong" sabi ko sa sarili kulang nalang lumipad kami eh, sana naman hindi ako maaksidente nito.
Napatili ako ng mahina ng biglang huminto si driver tinignan ko ito ng masama ng muntik ko nang mahalikan tong sahig bwiset! red light pala gumalaw ulit itong sinasakyan ko ng mag green na, hindi ko na kinaya baka masuka ako maarte na kong ma arte I don't care! nag para na ko at padabog na lumabas. Bwiset di na ko mauulit!
Lakad lang ako ng lakad ng makakita ako ng tindahan ng pandesal lumapit ako dito at bumili , tinignan ko ang relo kong luma at nakitang Mag tatanghali na, ng inabot sakin yung sukli tumakbo na ko habang kinakain yung tinapay
Hingal na hingal akong tumigil sa harap ng moon restaurant pinagalan ito ng nag mamaayri na buwan dahil mahilig ang asawa nitong tumingin sa buwan sa kasamaang palad namatay ito ng maaga
Mag iisang taon narin ako dito na waiter kaya kilala ko na ang may ari. Pumasok na ko at bumungad sakin ang malamig na hangin ng air-con nakita ko si mika na dalawang buwan na nag tratrabaho dito at may tintype, lumapit ako sa kaniya at bumati,
"Morning mik!" masaya kong sabi sa kaniya. May katangkaran si mik at may maputing kutis mabait naman siya kaya nag kasundo kami kaagad
"Morning din beshie! Musta bakasyon?" tanong niya
"Yun bakasyon parin, nag linis lang ako ng bahay, kumain, natulog tsaka napanood mo ba yung legend Of the blue sea?Ang gwapo talaga ni lee min ho omyghad! tapo-" naputol yung sinasabi ko ng tinaas ni mik yung kamay niya.
"Oo alam ko beshie kaso umaandar na naman yang kadaldalan mo bahala ka pag nakita ka ni ma'am jasmin nako! Makakatanggap ka na naman ng sermon!" sabi niya
"Sorry hehehe ng last time na sinermonan niya ako nag karoon ng earthquake sa lakas ng Bose's niya eh baka siya pa sisihin pag nasira mundo ahhahahah" "
Natatawa kong wika"Baliw! Hahahah mag ayos kana nga"
Nag simula na kaming mag trabaho at may time na magagalit na naman si ma'am Jasmin samin kahit wala na man kaming ginagawa, na alala ko tuloy dati yung terror teacher namin sa math, Siguro mag kapatid sila parehas na parehas yung ugali nilang dalawa, pag iniisip ko tuloy pag nag kita sila baka may maganap na world war 3.
Matatapos ang shift namin around 8 pm dapat makalabas nako mga 7 pm baka hindi ko ma abutan yung jeep.
Habang iniisip ko kung pano ako makakalabas ng maaga may tumawag sa maganda kong pangalan.
"KIRSTEN OSOMO!! tutunganga ka na naman diyan! Alam mong maraming costumer ngayon kasi anniversary ng moon pero heto ka ang lalim ng isip! Alam mo kung nasa ibang lugar din yang utak MO!?! Pwede kana ring mag lakad papunta sa pinto! O kaya bukas na bukas mag handa kana ng letter mo ayoko ng tutunganga dito. Ayoko rin ng tamad!" patay! Galit na si ma'am ikaw kasi Kirsten eh!
"Sorry po ma'am sorry po hindi ko na po uulitin"
"Sa susunod pag inulit mo ulit yan nako!" galit na umalis si ma'am jamin at pumunta sa office niya, ako na man tong nakahinga ng maluwag dahil saglit lang ang sermon na ginawa niya.
"Hahahaha, whooahh muntik na yon " bulong ko.

BINABASA MO ANG
The Loner's Wife
General Fiction"The moment you enter my-our house this is where our story begin" ~•~•~ What if two different people with two different personalities meet? A handsome loner who never likes to socialize and a simple girl who is poor but like to help people ? Ano k...