Una, hindi naman niya sinabi na umasa ka.
Ikaw lamang ang nagbigay ng pasakit sa puso mo sa umpisa pa lamang ng istorya.
Kaibigan lang naman ang kanyang pakilala ngunit binigyan mo ito ng ibang malisya.Pangalawa, hindi lahat ng ginagawa niya ay para pakiligin ka.Kailan mo ba maiintindihan na ganyan ang trato niya sa lahat ng kababaihan.Hindi ka kakaiba dahil isa ka rin sa kanila.
Pangatlo, artista ka ba? Kailan ka pa nagkaroon ng talento para umarte na masaya ka pagkatapos niyang ipakilala ang mahal niya.Imulat mo ang mga mata para makita mo ng direkta.
Masakit... masakit diba.Pang-apat, bakit ba lagi kang nandiyan. Hinihintay mo na maging takbuhan ka niya sa tuwing siya'y may problema.Masyado kang masokista.Balak mo pa ata magpagawa ng sariling istatwa.
Hindi mo kasi alam ang salitang "Tama na!"
Tutal sabi mo sanay ka na basta para sa kanya.Ayan... ayan ang panglima, kaya ka nasasaktan kasi nagpapakatanga ka na naman.// Limang Dahilan Kung Bakit Ka Nasasaktan
BINABASA MO ANG
Sa Pagitan ng Salita at Damdamin
PoetryKoleksiyon ng mga salitang 'di masabi at mga inililihim na damdamin. Filipino & English poems Copyright | SPNSAD by iamyourreaper "-- Unti-unti, ako'y humahakbang papalayo sa'yo nang 'di inaalis ang tingin. Dahil kung sakaling matanggap ko na ang l...