20 | Tula Para Kay Tres

16 0 0
                                    


Inspired by Sebastian Freniere of SWAG written by sielalstreim

Binalot ng galit sa mahabang panahon.
Ang puso'y naging bato, pagdanak ng dugo.
Nakasandal sa patalim, buhay ay mapanganib.
Damdami'y kinalimot, isinantabi at winaglit.

Naisin mong iwasan siya 'pag iyong matatanaw.
Ngisi niyang nakakapanindig-balahibo at maangas na galaw.
Ngunit sa likod ng kanyang nakasisindak na mata'y,
Pangungulila ng nakaraan ang pilit na nilalabanan.

Sugat ang hatid, luha't pighati.
Buhay ang nakataya, buhay din ang kapalit.
Sa pag-asang kumala sa nakulong na pag-ibig.
Makamtan ang kalayaan para sa munting iniibig.

Binago ng panahon ngunit 'di ang puso't isipan.
Taon ang hinintay, paghilom ng sakit.
Pagsilay at paglapat ng kanilang mga labi.
Natagpuan niya sa wakas, ang pag-ibig na wagas.

// Tula Para Kay Tres

Sa Pagitan ng Salita at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon