24 | Lagusan

34 1 0
                                    

Sa apat na sulok,
Sa dilim man nito'y pilit hinahanap ang liwanag.
Nagbabakasakali na may pangahas na magsalba,
Mula sa pagkakasadlak sa kumunoy ng pag-iisa.

'Ni butas ng pag-asa ay walang maaninag,
Para bang ang sarili kayhirap makakalag.
Sa mga kadena na sa akin ay nakagapos,
At sa tuwing paghinga ko'y parang kinakapos.

Sa sandali'y natigagal sa pagkarinig ng katok sa pintuan,
Na tila musika sa tenga ko nang maulinigan.
Kaybilis ng mga hakbang papalapit sa lagusan,
Sa wakas ang liwanag ng buhay ay akin ng nasumpungan.

// Lagusan

Sa Pagitan ng Salita at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon