30 | Humakbang ng Pabaliktad

18 0 0
                                    


Ako'y nakatingin sa iyong mga mata.
Habang sinasabi mo sa akin ang masasakit na salitang,
Hindi mo ako kayang mahalin sapagkat hindi ako siya.
Walang puwang ang puso mo na magmahal ng iba.

Unti-unti, ako'y humahakbang papalayo sa'yo nang 'di inaalis ang tingin.
Dahil kung sakaling matanggap ko na ang lahat,
Tatalikuran ka ng walang pag-aalinlangan.
At asahan mong 'di na ako muling babalik pa sa piling mo.

// Humakbang ng Pabaliktad, 2018

Sa Pagitan ng Salita at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon