Dati'y isang milya pa ang layo,
Mula sa pinapangarap ko.
Ngunit ngayo'y isang hakbang na lamang patungo sayo,
Wala nang urungan, 'di na pwedeng lumiko.Sa bawat pintig ng ating puso'y kakaiba,
Walang salitang maikukumpara.
Kung gaano kasaya sa kabila man ng kaba,
Sinuman ay walang makasisira.Kaya heto na, abutin natin tala,
Sa pagsilay ng muling pag-asa.
Pangako'y aking dala dala,
Hindi ka na muling mag-iisa.// Heto na
BINABASA MO ANG
Sa Pagitan ng Salita at Damdamin
PoetryKoleksiyon ng mga salitang 'di masabi at mga inililihim na damdamin. Filipino & English poems Copyright | SPNSAD by iamyourreaper "-- Unti-unti, ako'y humahakbang papalayo sa'yo nang 'di inaalis ang tingin. Dahil kung sakaling matanggap ko na ang l...