5 | Ilan pa

46 2 0
                                    

Ilang balde pa ba ng luha ang tutulo para tuluyang sumuko,
Ilang pangako pa ba ang mapapako para umiwas sa gulo,
Ilang pagsisinungaling pa ba ang gagawin para magsabi ng totoo,
Ilang milya pa ba ang layo para maramdaman mong naririto,
Ilang araw pa ba ang aabutin para tuluyang magbago,

Ilan pa... Ilan pa ba?
Paano bang mapatigil ka
Sa pagpapahirap at paggawa ng sariling problema
Hindi ka ba nagsasawa sa paulit-ulit na tagpo na nagdudulot lamang ng gera

Nakakahingal sa hininga ang walang katapusang pagluha
Nag-iiwan ng hiwa ang bawat sentiemento ng pagmamakaawa
Paano ba... dahil pare-pareho lang tayong nahihirapan
Nagkakabangayan at nagkakasakitan
Paano ba... kasi wala ng balang muling tatama pa
Parang kandila na ang puso na unti-unti nang nauupos.

//Ilan pa

Sa Pagitan ng Salita at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon