31 | sa una, sa huli

6 0 0
                                    

Mas nakakabingi pala ang katahimikan.
Nakakakaba, nakababahala.
Unti-unting naglalaho ang mga yabag na nakikipag unahan bago sumapit sa oras na nakatakda.
Ang pagpalo, ang pag aray sa kurot ng mga kaibigan mong masyadong natutuwa o kinikilig lang ata dahil dumaan ang hinahangaan niya.
Ang tawanan, pagbuo ng plano at awayan- saksi ang lugar sa iba't ibang karanasan.

Mas nakakabingi pala ang katahimikan.
Nakalulungkot, nakadidismaya.
Matatanto mo na may katapusan pala ang lahat- mananatili lang sandali at magiging alaala na lamang sa huli.

Sa Pagitan ng Salita at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon