15 | Jeep

9 0 0
                                    

Ang tagal kong hinintay,
Nangawit ako kakatanaw.
Halos nagutom na nga ako kakabantay,
Ayan, ayan na... dumating na pala.
Nakita na ng aking mga mata,
Pero ako ay natulala.
Wala nang nagawa,
Tuloy unti-unti na itong nawala.
Na para bang isang bula.
Nasayang tuloy ang tsansa,
Nakakaluha... nakakapanlata.
Sana may dumating pang iba.
Otso na lang kasi ang aking pera,
Nang makauwi na ako ng maaga.

// Jeep

Sa Pagitan ng Salita at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon