Huwag kang magpapadala sa mga tinging,
Akala mo may nais iparating.
Huwag kang magpapadala sa mga ngiting,
Akala mo may nais alamin.
Huwag kang magpapadala sa kanyang sasabihing,
"Gusto kita , ay hindi-- mahal na pala kita at bagay tayong dalawa. Ikaw at ako ay sapat na."Dahil diyan, diyan nag-uumpisa ang kanyang pagpapaasa.
Ipararamdam sayo na ika'y mahalaga.
Na para kang isang prinsesa at siya ang iyong dakilang alila.
Patatawanin ka, pakikiligin ka at
paiibigin ka.
Yung tipong isang kalabit na lang nahulog ka na sa kanya.Dahil diyan, diyan siya magaling.
Kayang- kaya niyang magsinungaling.
Ikulong ka sa mga salita at patuloy na paasahin.
Kahit sa huli, wala naman siyang balak na ikaw ay saluhin.Kayat talasan ang iyong pakiramdam.
Hindi sa lahat ng oras ay puso ang pakikinggan.
Mag-ingat sa mga mapanlinlang na nilalang.
Na ang siyang nais lamang ang puso mo ay maging laruan.// Babala Para sa Puso mong Marupok , 2018
BINABASA MO ANG
Sa Pagitan ng Salita at Damdamin
PoetryKoleksiyon ng mga salitang 'di masabi at mga inililihim na damdamin. Filipino & English poems Copyright | SPNSAD by iamyourreaper "-- Unti-unti, ako'y humahakbang papalayo sa'yo nang 'di inaalis ang tingin. Dahil kung sakaling matanggap ko na ang l...