Sumuko, inako ang mga panghuhusga.
Kahit kapalit man nito ay ang mabigat na sintensya.
Subalit kung susumahin siya lang ba talaga ang maysala,
Sa mga bagay na pinakinabangan din nila.Ano pagkatapos ng lahat ipagsasawalang bahala na lang ba,
Hahayaan kung gaano kapait ang kahihinatnan.
Konsensya asaan ka?Sa panahon na kinakailangan niya,
Sa panahon na inaambon siya ng mga panghuhusga,
Sa panahon na ang luha niya'y nais nang kumawala,
Asaan sila?Pinanatili lamang nilang nakapinid ang kanilang kaluluwa,
Ikinaila at umarteng mangmang sila sa ganoong eksena.
Kung totoo man ang isinisiwalat ng kanilang labi,
Kung totoo man ang hangarin nilang ito'y isalba,
Tumayo at manindigan sapagkat humihiling ang puso ng taong maysala.//Maysala
BINABASA MO ANG
Sa Pagitan ng Salita at Damdamin
PuisiKoleksiyon ng mga salitang 'di masabi at mga inililihim na damdamin. Filipino & English poems Copyright | SPNSAD by iamyourreaper "-- Unti-unti, ako'y humahakbang papalayo sa'yo nang 'di inaalis ang tingin. Dahil kung sakaling matanggap ko na ang l...