14 | Para sa'yo

12 0 0
                                    


Sa oras na kailangan mo,
Ako'y naririto.
Hindi magbabago,
Hindi ako susuko.

Hawakan mo aking kamay,
Ako'y iyong karamay.
Hindi ka iiwan,
Hindi ka bibitawan.

Sa oras ng dilim,
Ako'y kayakap mo.
Sa gitna ng ulan,
Payong ko'y kakanlong sa'yo

Handa akong punasan ang mga luluha mo.
Mahal, nandito ako...
Para sa'yo.

// Para sa'yo

Sa Pagitan ng Salita at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon