8 | Sarili sa Salamin

14 3 0
                                    

Nakatingin,mata sa mata
Waring sinusuri ang bawat bahagi na nahahagip ng paningin.
Kilala niya ang katauhang kanyang nakikita.
Alam niyang kaya niya, subalit mismong sarili ang siyang walang tiwala.
Bakit nananatiling kalmado sa kabila ng katahimikan.
Bakit kayhirap umabante, bakit kayhirap tumakas sa dilim.
Ninais tumakbo ngunit may kamay bang aabot sakaling siya'y madapa.
May sasabay kaya sa kanya sa patuloy na pag-agos ng buhay.
Magulo, hindi siya madaling intindihin.
Hindi siya katulad ng iba na madaling kaibiganin.
Hindi siya ganyan, hindi siya ganto.
Seryoso mang tingnan ngunit may kalokohan ding itinatago
Kaya't wag sanang sumuko, bigyan ng pagkakataon ng lubos pang kilalanin.
May mga bagay na nais niyang ipakita
Ngunit pinapangunahan ng takot sakaling sumubok.
Kaduktong ang pag-aalalang "baka hindi maganda..."
At marami pang "baka naman kasi..."
Sa kabila nito'y mataimtim na nananalangin
Na sana'y may mga taong siya ay tanggapin
Nang lubos at mahalin.

// Sarili sa Salamin

Sa Pagitan ng Salita at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon