3 | Mahal Kita

36 2 0
                                    

Mahal kita, tumakbo ako para habulin ka.
Para sabihin sayong ako'y nagsisisi na.
Patawarin sana sa lahat nang natamong pagdurusa,
Pagpapahirap sayo at pambabalewala.
Mahal kita.
Hindi ko sinasadya,
Na iparamdam sayo na wala kang halaga.
Mahal kita, hindi ko man agad nasabi sayo ang mga kataga.
Hindi ko agad naamin sa sarili na ako'y masaya
Sa tuwing ikaw ay kasama.

Mahal kita... mahal kita..

Pero huli na.
Pagdating ko ay meron nang iba,
Siyang nagpawi ng iyong mga luha,
At lungkot na sayo'y ipinadama.

//Mahal Kita

Sa Pagitan ng Salita at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon