Nakakainip maghintay ng masasakyan lalo na kung sumakto na trapik at punuan ng pasahero.
Kailangan mo ng mahabang pasensya.
Pero ganyan naman talaga,
Maghihintay at maghihintay ka.Parang ikaw lang,
Ilang taon na ba akong nakatunganga't naghihintay,
Umaasang mapansin mo ang nararamdaman ko.
Ilang taon na ba akong nagbabakasakali na baka, baka sa pagkakataong ito,
Alam mo na ang daan patungo sa puso ko.Patuloy na lang ba akong aasa na gagawa ng paraan si Kupido,
Para mabuo ang "tayo" mula sa salitang ikaw at ako.
Magkakasya na lang ba ako sa mga nakaw-tinging ipinupukol ko sa bawat pagdaan mo sa aking harapan.
Na sa pagtili nila'y mas nangingibabaw pa rin sa pandinig ang tila musikang pagkabog ng aking dibdib.
Kahit may pagitan sa'ting dalawa'y,
Walang kupas mo paring pinaliligalig ang mga paru-parong nakahimlay na nananaginip.
Tila ritmo ng isang kanta sa tuwing naririnig ang mga salitang iyong sinasambit.
Ang buong paligid ay kusang naglalaho,
Tanging ikaw at ako ang natitira sa mundo.Ang sabi ng mga kaibigan ko'y tigilan ko na ang kahangalang ito.
Nagmumukha na akong tanga, mangmang at desperado.
Kung ganoon lang sana kadaling pigilan ang nararamdaman,
Na sa pagpikit na mata'y wala na lahat.
Kung ganoon lang sana kadaling pigilan ang nararamdaman,
Na 'pag sinabi kong ayoko na ay bigla na lang mawawala.
Edi sana, ginawa ko na.
Edi sana, nagawa ko na.
Kaya lang hindi- 'di ganoon kadali.
Sobra akong nahulog sa'yo.
Sobra akong nahuhumaling sa'yo.
Na sa bawat patibong mo ay bitag mo ako.Ang pag-ibig ko sa'yo ay parang katulad ng paghihintay ng masasakyan.
Oo hindi ganoon kadali,
Madaming hadlang, madaming kaagaw.
Pero kahit anong mangyari,
Maghihintay at maghihintay pa rin ako- sa'yo.//Bitag mo ako
*Nahanap ko sa lumang nb 😏*
BINABASA MO ANG
Sa Pagitan ng Salita at Damdamin
PoesíaKoleksiyon ng mga salitang 'di masabi at mga inililihim na damdamin. Filipino & English poems Copyright | SPNSAD by iamyourreaper "-- Unti-unti, ako'y humahakbang papalayo sa'yo nang 'di inaalis ang tingin. Dahil kung sakaling matanggap ko na ang l...