Kaylamig.
Kaya pilit sinisiksik ang sarili sa isang sulok.
Pagpikit ng mga mata,
Tanging pagpatak lamang ng luha mula sa langit ang naririnig.
Nagbabakasakali na makalimutan ang mga hinaing,
Kahit sandali lang... kahit ngayon lang.
Pahupain ang paghikbi at pakalmahin ang paligid.
Kung maaari lamang itigil ang pagragasa ng mga pangyayari sa isip.
Gawing blangko at maisantabi ang lahat.
Ngunit mukhang malabo itong pagbigyan ng tadhana,
Ito na mismo ang sumasalungat sa nais maganap.
Kaya eto na naman,
Isang gabi na puno ng kaganapan.//Gabi
BINABASA MO ANG
Sa Pagitan ng Salita at Damdamin
PuisiKoleksiyon ng mga salitang 'di masabi at mga inililihim na damdamin. Filipino & English poems Copyright | SPNSAD by iamyourreaper "-- Unti-unti, ako'y humahakbang papalayo sa'yo nang 'di inaalis ang tingin. Dahil kung sakaling matanggap ko na ang l...