CHAPTER 19

652 7 0
                                    

IKAW LANG ANG MAMAHALIN

(Series 1: MY BESTFRIEND'S HUSBAND)

By: Emma M.

MATAPOS ang Klase ng dalawa agad pumunta ng pharmasy sina Marah at Norah upang bumili ng pregnancy test.

"Mam, cut po ang credit card nyo!" wika ng cashier kay Norah.

"What? how come? please try again!" nalulungkot na pakiusap ng dalaga.

agad nman lumapit si Marah ng mapansing may problema ata sa dalawang babae.

"Cut po talaga!" wika ulit ng cashier na narinig ni Marah,saktong nakalapit na sa dalawa.

"Try this" singit ng dalaga saka inabot sa cashier ang kanyang credit card.

Nagtatanong na mata ni Norah ang nakatingin sa kaibigan.nababahala ito na itinuloy nga ng kanyang kuya ang pag disconnect sa mga platinum Cards nya.

Paglabas ng pharmasy agad sinubukan ni Norah ang kanyang mga Atm Cards at dismayadong tumitig sa kaibigan.

"He Cut them all best!" wika nito kay Marah.

Hindi alam ni Marah kung paanu aluin ang kaybigan kayat niyakap na lamang nya ito saka nagtuloy na sila ng uwi.

Matapos ang ilang minutong pamamalagi ni Norah sa loob ng banyo ay lalong malungkot at laglag balikat itong lumabas at humarap sa kaibigang naghihintay sa kanilang silid.

"Positive!" malungkot na saad nito kay Marah.

Alam ni Marah na buntis nga ang kaybigan kayat hindi na sya nagulat sa sinabi nito.pero nakita nya ang lungkot sa mata ng dalaga kayat nilapitan nya ito at niyakap.

"Dont woryy,i think rasty will be happy! kaya pakakasalan ka nya.!" pang aalu nito sa kaibigan.

Hindi sumagot si Norah.may pakiramdam syang hindi sya agad pananagutan ng Nobyo.sa tuwing uungkatin nya ang tungkol sa kanila ay laging umiiwas ito at madalas ay pinagmumulan ng kanilang away,Lahat ng yun ay inilihim ni Norah kay Marah para hindi madagdagan ang inis ng kaibigan sa katipan.

"I want you to talk to him!" wika ni Marah matapos paupoin ang dalaga sa kama at inabot dito ang phone.

Sumonod si Norah at tinawagan nga ang binata subalit hindi nito sinasagot ang selpon.

ilang sandali pa,tinex nya ito baka sakaling magreply at nagreply nga ang binata.

ayun dito nasa skul daw sya at may inaasikaso.sinabi ni Norang gusto nya itong makausap at nagreply naman ang binata na puntahan ito sa kanilang paaralan.

dahil hapon na nag alinlangan pumayag si Marah subalit dahil sa kalagayan ni Norah kayat umalis din sila ng hapong yon.

Inabutan nila ang binata sa Labas ng paaralan nito,kasalukuyan pauwi na sa inoopahang boarding house.nakasimangot itong tinapunan ng tingin ni Marah na hindi

nakaligtas kay Norah.

Sa isang park nagusap ang magkatipan habang naghihintay sa sasakyan nito si Marah na nakikinig lamang ng kanta.

Umabot ng halos isang oras at kalahati ang pag uusap ng magkatipan kayat madilim na ng makabalik si Norah sa sasakyan ng kaibigan.

"So?ano napagusapan nyo? tanong agad nito sa dalaga hindi paman nito nasasra ang pintu.

"He said,He will try to talked to his parents!" malumanay na sagot ni Norah.

"Hhmm " tatango tangong wika ni Marah.sa isip ay tila nahuhulaan na nyang hindi pananagutan ng lalaki ang kaibigan.

IKAW LANG ANG MAMAHALIN (Series 1:MY BESTFRIEND'S HUSBAND)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon