CHAPTER 23

739 7 1
                                    

IKAW LANG ANG MAMAHALIN

(Series 1: MY BESTFRIEND'S HUSBAND)

By: Emma M.

Dahil sa pag aaral ng dalaga ay napilitan itong umuwi ng ilang buwan upang tapusin ang nalalabing panahon sa kanyang pag aaral at para makabalik agad sa poder ng magulang.

bumaba ng bahagya ang grado ng dalaga dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay,kasabay ng pag aaral ay ang pagmamanage nito sa kanilng mga negosyo upang hindi mapabayaan.

"Why you didnt call me Marah? nagtatampong usig ni Norah ng araw na pumasok ito para sa kanilang final exams.ilang lingo na lamang ay graduation na nila.

"same as what you did nung mamatay ang mommy mo,i dont want to bother you best.anyway ok na sila evrything is going well kayat wag ka ng magtampo ok? paliwanag ni Marah na niyakap pa ang kaibigan.

"your so unfair!" nakanguso pa ring wika ni Nora.

"ok,i'm sorry!" mahina at boung pusong wika ni Marah.

Napangit naman si Norah at muli nagyakap sila.

Natapos ang exams ng magkaibigan hangang sa sumapit ang araw ng kanilang pagtatapos.

Sa kabila ng lahat ng nangyari ay masaya na rin si Marah at Norah.2nd Honor ang nakuha ni Marah,Gold medals for her debate at more certificates for her extra curicular activity.excellence in Math,physics at chemistry pa ang ibang nakuha ng dalaga habang out standing students naman si Norah at 3rd ito kay Marah.

Si Norah ang nagsabit at nagescort kay Marah sa Lahat ng naricieve nitong awards at ganun din si Marah,sya ang nag bigay ng awards sa kaibigan.

Masaya at Matagumpay na natapos ang kanilang graduation.sa bahay ni Norah sila nagpunta dahil may handa ito.

Matapos ay nagpaalam na si Marah upang umuwi dahil flight nito kinagabihan pabalik ng California.

"Bye best,Mamimis kita naluluhang wika ni Norah sa dalaga.

Me too best pero may Facebook naman at always tayo mag tatawagan ok? masayang turan ng dalaga saka nagyakapan sila for last time at umalis na ang dalaga.

Sa garage nag aBang si Jayd upang makausap ang dalaga.Nakangiti itong nilapitan ni Marah para magpaalam na rin.

"Ingatan mo sarili mo." wika nito sa binata.

"Ikaw din,ingatan mo sarili mo,i'l wait for you!" mahinang wika ng binata na matiim n anakatitig sa dalaga saka nya ito niyakap ng mahigpit.

This time ay gumanti ng yakap si Marah,bahagya pang tumulo ang kanyang luha na agad pinunas para di makita ng binata.saka kumawala dito at walng lingong sumakay sa kanyang sasakyan at umalis.

mula noon ay hindi na nagkita ang dalawa.

Sa unang mga buwan ay laging nagbabalitaan sina Marah at Norah,ganun pa rin ang buhay,si Norah na ang humahawak sa kanilang Negosyo sa manila na dating pinamamhalaan ng kanyang kuya.habang si Marah ay magaling na sa pamamalakad ng kanilang mga negosyo.

Habang abala sa pagpeperma ng mga papeles si Marah ay isang mensahe mula sa matagal ng kaibigan ang kanyang natangap,nag aanyaya itong makipag kita sa dalaga na agad sinang ayunan ng dalaga

Si Andy,ang lalaking kinababaliwang ni Mara nung highschool pa lamang sila.good type na lalaki si Andy,straight forward sa pag aaral at heartrobe,campus crush at varsity player ng kanilang paaralan.kinahuhumalingan ito ng mga kababaihan kabilang si Marah.

Simula pa 1styear ay Crush na nya si Andy pero hindi si Marah ang babaeng type ng binata kaya hindi nya ito nakuhang ligawan o tapunan lamang ng atensyon.

Hangang sa fourthyear nila ay inilagaan ni Mara sa kanyang puso ang pagnanais na mapansin ni Andy subalit bigo ito.

Graduation day nila noon sa highschool ng lapitan ng dalaga si Andy at nais na kausapin ngunit wala sa kanyang ang atensyon nito,"oo" lng ang sagot ni Andy sa lahat ng sinabi ng dalaga.at nagyon ay makikipag kita ito sa kanya.

Isang simpleng dress ang sinuot ng dalaga.magDidinner lang naman sila kaya hindi nya kailangan magpaganda ng lubusan.

Pagdating ni Marah sa lugar na sinabi ng binata ay agad nya itong namataan at nilapitan.

"Hi" nakangiting bati ng dalaga sa binata.

"Hi,seat please." wika ng binata.

pinakatitigan ito ni Marah,lalong naging gwapo si Andy sa isip ng dalaga subalit wala na sa kanyang puso ang kilig na nararamdaman noon sa tuwing makikita ito.ngayon ay parang wala na itong epekto sa kanya.

"You look great!" wika ni Andy,

"Thanks" kiming sagot ng dalaga.

"So kamusta kana?" tanong uli ng binata matapos umalis ng waiter upang kunin ang kanilang order.

"i'm good,and you? sagot na tanong ng dalaga.

"Ok naman finally,uuwi na ng bansa para dun na permanenteng manirahan wika ni Andy.

"Thats great!" nakangiting sagot ng dalaga.

"So may somebody kana ba?alanganing tanong ng binata.

"Yeah,i used to have" tipid na sagot ng dalaga.

"so hindi mona ako like?

"Not anymore Andy!" prangkang sagot ng dalaga.

Sa narinig ay nadismaya ang binata kaya nalungkot ang mukha nito na hindi nakaligtas sa dalaga.

"i'm sure you will find someone better than me Andy!" wika ng dalaga na hinawakan sa kamay ang binata.

"yeah,I hope," tipid nitong sagot.

sadyang iniba ng dalaga ang kanilang usapan,mga achievements at current responsibilities ang topic na binuksan ng dalaga na nagpanumbalik sa apetite ng binata,ganado itong nagkuwento sa buhay nito at mga gustong gawin pagdating ng pinas.

Matapos ang kanilang dinner,maliwanag at tangap na rin ng bawat isa na hindi nga sila tadhana dahil hindi na gaya ng dati ang pagtingin dito ng dalaga.

Mabilis na Lumipas ang maraming taon,naging madalang na ang pagtatawagang nina Norah at Marah.

Naging sobrang abala na ng bawat isa,kung tatawag si Marah ay hindi naman makontak si Norah at kung si Norah naman ang tatawag ay wala ang dalaga.

IKAW LANG ANG MAMAHALIN (Series 1:MY BESTFRIEND'S HUSBAND)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon