IKAW LANG ANG MAMAHALIN
(Series1: MY BESTFRIEND'S HUSBAND)
By: Emma M.
MONDAY morning,ikatlong araw na grounded si Marah,maagang umalis ng umagang yon ang ama ng dalaga at tulad ng sinabi nito ay nagpaiwan ang ina ng dalaga upang mabantayan ang anak.
ilang sandali matapos makaalis ang ama ng dalaga ay patingkayd syang lumabas ng silid para pumasok sa eskwela.
"Marah!? anong ginagawa mo? tanong ni Aling Rosa.
"Nay naman eh nangugulat kayo!!aalis po ako kelangan ko pumasok may
REPORT ako ngayon kaya di ako pwede mag absent paliwanag ng dalaga.
"Oh sya,may pera kaba anak? nag aalalang tanong ng ginang.
"Meron naman po kahit papanu!" sagot ng dalaga.
"Sige umalis kana baka makita kapa ng Mommy mo!
"Salamat nay!" wika ng dalaga saka nagmadaling lumabas ng gate,hind na nya ginamit ang kanyang kotse.
pasado alas nuebe ng magising ang ina ni Marah,agad nyang kinatok sa silid nito ang anak pero walang sumagot kaya pumasok ito ngunit wala ang dalaga,wala rin
ang kanyang mga libro at bag kaya agad pumanaog ang ginang at Hinanap ang kasambahay.
"Naasan si Marah? tanong nito kay Aling Rosa.
"Pumasok sa eskwela maam" sagot ng ginang.
"Rosa,sa tingin mo ba kay si Marah nga ang may ari ng PT na nakita q sa banyo nya?
"Naku maam,mabait na bata si Marah at Mabuting kaibigan.isa pa isa lang nakilala kong naging nobyo nya si "Jayd" pro matagal na silang hiwalay!" paliwanang ng kasambahay.
"Kung hindi sakanya kanino?bakit ayaw nyang sabihin?
"Baka ayaw nyang mapahamak ang kaibigan nya maam" sagot nito.
Nagisip ang ina ng dalaga,marahil nga hindi sa anak iyon,kahit papanu malaki ang tiwala nya sa anak kaya kumpiyansa silang mag asawa na iwan itong mag isa.
Nagbihis ang ina ni Marah at pumunta sa unibersidad ng dalaga.mula sa isang estudyante napag alaman nya kung saan ang klasrom ng anak.
Nakita nya agad itong nagsasalita sa harap ng knyang mga kaklase matapos ay pumunta sa administration office.
"Hi Magandang umaga po maam! bati ng babaeng nakaupo sa gilid ng office.
"May i speak with your deen? magalang na tanong ng ina ng dalaga.
"Yes maam,this way pls."! turo ng babae saka pinaupo ang ginang at tinawag ang deen.
"hello maam!how may help you? tanong ng babaeng may malaking antipara na umupo sa swevelchair na para sa deen.
"ako po ina ni Marah Guevara."Jovi Guevara" wika ng ina ng dalaga.
"Ahh so ikaw pala ina ni Marah,naku napakaswerte nyo maam,very talented at well potentials ang anak nyo!" sagot ng dean saka pinakita sa ginang ang mga achievements ng dalaga,mga photos nito sa pag sali ng ibat ibang activities at mga photos ng voluntary releif mission ng dalaga para sa mga taong nangangailangan ng gamot sa karatig bayan.
Napapaluha ang ina ng dalaga sa mga nalaman tungkol sa anak.malapit na itong magtapos ngunit kahit isang parangal ay hindi nila alam na natangap ng dlaga dahil sa palagi silang wala.
"kung maipagpapatuloy po ni Marah ang maganda nyang grado sya po ang #1 candidate for Magna comlaude of this batch"! wika pa ng Deen.lalong napantig ang puso ng ina ni Marah,ngayon nya napatunayan na hindi sa anak ang Pt dahil kung sa kanya nga ay hindi sana ito makafocus sa pag aaral.
Saktong nakalabas na sa Deen's office ang ginang ng mamataan ito ni Marah mula sa bintanang salamin.ngumiti ito ng ubod tamis sa anak at suminyes na maghihintay.Nakita ng binatang si Jayd ang pagtango ng dalaga kaya sinundan nito ng tingin ang tinitingnan ng dalaga at nakita nito ang babae sa Labas
"Sya siguro Mommy nya" wika ng isip ng dalaga.
Naunang Lumabas si Marah ng tumunog ang alarm at nangangamba nitong nilapitan ang ina dahil sa pagtakas nya.Ngunit halos lumundag ang puso nito sa tuwa ng malaman hindi na ito galit at naniniwalang hindi nga sa knya ang Pt na un.
Mahigpit na nagyakap ang mag ina matapos ay kumawala ang dalag at ipinakilala nito si Norah at masayang nagkamustahan.
"Norah!" tawag ni Jayd sa dalaga.
"Oh Jayd ito pala notebook mo salamat!" baling ng dalaga sa binat
Narinig ng ina ni Marah ang pangalang binigkas ni Norah kaya naisip nitong ito na marahil ang Jayd na sinasabi ni Aling Rosa.
"Sinu sya?tanong ng ina ng dalaga.
"Si Jayd po tita,kaklase namin!" pakilala ni Norah sa binata.
"Jayd,Mommy ni Marah!" baling nito sa binata.
"Kamusta po?" nahihiyang wika ng binata na pasulyap sulyap sa dalagang si Marah.
"Mabuti iho,nice to meet you!" nakangiting sagot ng ginang saka inilahad ang kamay sa binata.Napansin din ng ina ni Marah na hindi ito makatingin ng diretso sa binata kayat nakaisip ito ng paraan.
Matapos tangapin ni Jayd ang kamay ng ginang ay akma na itong aalis ngunit pinigilan ng ina ng dalaga.
"Any way Lunh time na at wala na kayong kLase,pwed ko ba kayong inbitahin na makasamang kumain ng anak ko? wika ng ginang na ikinalingon ni Marah dito.
"Sige po! sabay sabay na wika nina Norah at ibang kaklase nilang naroon.
Sa kotse ng ina ng dalaga sumakay sina Marie,Mitch at Mon habang sa kotse ni Jayd si Norah naksakay
sa Isang Chinesse restaurant tumigil ang sasakyan ng ginang.table for seven ang kanilang pinili,sa dulo ang ina ni Marah katabi ang anak tapos si Norah,Mitch,Mon,Marie at Jayd na katabi ang ina ng dalaga.
Maingay sila,puno ng tawanan ang kinilang kinaroroonan dahil sa mga nakakatwang kwento ng ginang tungkol sa anak na ikinapula ng dalaga.
"binuko mona talaga ako mom"! kunwaring maktol ng dalaga.
"Its ok baby,para naman makilala ka nila ng Lubos!" natatawang sagot ng ginang saka hinalikan sa
Noo ang anak."Oh by the way,nilabhan ko ang Stuffed toy mong MICKEY Mouse",marumi na kasi,Un ang kayakap nya kung gabi,pag wala yun di sya makakatulog" paliwanag ng ginang na kinukurap pa ang kabilang mata sa mga kaibigan ng anak.
Di napigilan pati si Jayd ay natatawa sa mga kwento ng ina ni Marah habang ang dalaga ay pulang pula sa hiya.
"Marah, naglalaro kapa pala ng stuffed toy? pangbubuska ni Mitch.
"Ohh shut Up!! naiinis na wika ng dalaga na ikinatawa naman nila lahat.
Panay ang kanilang tawanan hangang sa nakatapos silang kumain.saka nagseryoso ang ginang at nilingon ang anak.
"I'm so proud of you baby!" boung puso nitong bulong sa anak saka hinalikan at niyakap.
Nakita iyon lahat ni Jayd,kayat lalo syang napapa ibig sa dalaga.ngunit ano pa ang kanyang magagawa kung ayaw syang kausapin ng dalaga tungkol sa kanilang relasyon.
ayon kay Norah.hindi pa handang makipagbalikan ang dalaga sa binata.subalit mahal ito ni Marah at tanging si Jayd lamang ang magmamay ari ng kanyang puso hangang sa huli.
Kung kailan sya handang harapin ang binata ay panahon lang ang makakapag sabi.
BINABASA MO ANG
IKAW LANG ANG MAMAHALIN (Series 1:MY BESTFRIEND'S HUSBAND)
RomanceNORA and MARA are best of friends. They considered themselves as 'besty”, an endearment for their strong friendship. Nagsimula ang kanilang simpleng pagkakaibigan when they are both first year college students, turned as best of firiends at itinurin...