CHAPTER 25

841 8 0
                                    

IKAW LANG ANG MAMAHALIN

(Series 1: MY BESTFRIENDS HUSBAND)

By: Emma M.

"Si Andy best......" tila nahihiyang sagot ni Norah sa dalaga.

"Andy? As is Andy......" gulat na tanong ni Marah ngunit hindi naituloy ang sasabihin dahil nagsalita uli si Norah.

"Yup Andy na Crush mo nung highschool daw kayo! He saw our picture nung graduation the first time he came in our house to visit me." paliwanag ni Norah na alanganin ang emosyon.

Hindi nya alam kung nagagalit ba ang kaibigan o ano.

"Oh Best....i'm Soo happy for you!! abot tengang sagot ni Marah ng mapagtantong ang andy na asawa ng pinakamatalik nyang kaibigan ay ang mabuting Andy hinangaan nya noon.

Nagliwanag naman ang mukha ni Norah.akala nya ay nagkakalabuan sila ng dalaga dahil kay Andy.

Katunayan ay iniwasan nya si Andy ng malaman nyang magkakilala ang dalawa at may gusto dito ang dalaga subalit dahil pinaliwanag ni Andy ang huling pag uusap nila ni Marah ay tinangap na nito ang alay nyang pag-ibig.

Abot langit ang ligaya ng dalawang babae ng oras na yon.Si Marah na wala ng mahihiling pa dahil sigurado syang mabuting lalaki ang pinakikisamahan ng Kaibigan at Si Norah na nakahinga ng maluwag dahil hindi magkakaroon ng lamat ang kanilang samahan.

Boung higpit na nagyakap ang dalawa.Mababakas sa mga mata ang kaligayahan.Ilang sandali pa ay may nauligan silang boses.

"Honney i'm Home!!" wika ng tinig lalaki na papalapit.

"were Here hon!" nakangiting sagot ni Norah saka sinalubong ng Yakap at halik ang asawa.

Bahagya pang nagulat si Andy ng makita sa sala nila si Marah.

"Hi Marah! what a surprise,kelan kapa dumating?" nakangiting tanong ni Andy ng makahuma.

"Kaninang umaga lang! kami ni inay Rosa" nakangiti ring sagot ng dalaga.

"i'm So happy for you best.." muli ay wika ni Marah saka niyakap ang kaibigan.

malapad ang ngiting nakatingin sakanila si Andy.

Dahil matagal na panahon di nagkabalitaan ay nanatili si Marah hangang gabi sa bahay ng kaibigan dun narin sya kumain habang masaya silang nagkukuwentuhan.minsan ay inaasar pa nito si Norah pag nababangit ang kalokohan nila nung nagaaral pa sila.

"Hay thank god! wala nakong mahihilinh pa sa kaibigan ko!" usal ng isip ni Marah habang nakatingin sa sweet ng magasawa.

Pag sapit ng alas nuebe ng gabi ay nagpasya ng umuwi ang dalaga,nugunit babalik ito kinabukasan upang ipasyal ang anak ni Norah na si Maraellah.Nasasabik na rin magka anak ang dalaga ngunit sa isip ay iisang lalaki lang ang paglalaan nya ng katawan at puso.Kungdi rin lng si Jayd ay hindi na lamang mag aasawa ang dalaga.

Mahimbing at may ngiti sa labing nakatulog ang dalaga.Napakasaya nya sa araw nato.Hindi nya akalain ang pag tangi kay Andy ay dahilan para makahanap ito ng mas mabuting babae at yon ay ang kanyang kaibigan "Kapatid" pa nga sa kanyang puso.

Kinabukasan ay masiglang gumayak ang dalaga.Plano nitong ipasyal sa Mall, sa Zoo at sa Park ang anak ni Norah.

"Mag asawa kana kasi! ng hindi ka nanghihiram ng anak!" nakangiting pang aasar ni Norah sa dalaga habang hinihintay nito ang bata.

"Malapit na!!!" pagtataray na sagot ni Marah.

"Hahahaha bilis bilisan mo kungi maabutan ka ng pagkamemopouse!" pangbubuska pa rin ni Norah.

"Abahh minamaliit mo ata ako ah.tingnin mo bukas makalawa may ihaharap nako sayong mapapangasawa ko!" nakataas kilay na sagot ng dalaga.

Lalo naman napatawa si Norah.

"Hahaha paanu ka makakahanap eh hindi kana tumatangap?

Matandang dalaga!!" dagdag pa ni Norah.

"oy bata pa ako no!! sabi nga ni Mommy baby pa ko!" sagot ni Marah na pilit ngumingiti.

hindi na nakasagot si Norah dahil nakalapit na ang anak nito kasama ang yaya.

"Ready? " nakangiting tanong ni Marah sa bata matapos halikan.

"Yes tita!!" excited na sagot ng bata.

Matapos ay sumakay na sila.

"Ingatan mo yang anak ko ha kundi makakagawa ka ng ganyang ng wala sa oras!!!" pang aasar pa rin ni Norah.

"Cheeee!!! sagot ni Marah saka umalis.

Tulad nga ng plano ni Marah ay namasyal muna sila sa Zoo,masayang masaya ang bata sa nakikita nitong ibat ibang uri ng hayop.

"Tita...Titaa look!! its so big!!" wika ng bata ng makita nito ang malaking itlog ng Ostrich.

"That is "Ostrich's eggs sweety." nakangiting turan ni Marah.

Nilibot nila ang zoo hangang sa napagod na umupo ang bata at nagpahinga ngunit malapd ang ngiti sa Labi.

"Where we go next tita?" tanong ng bata.

"Where do you wanna go?" nakangiti ring sagot tanong ng dalaga habang binubuksan nito ang packed Orange juice ng bata.

"At mall,lets go shopping!!" excited na sagot ng bata.

"So be it!!" sagot ni Marah.matapos ay naghanda na sila papuntang mall.

Nasa Toys section sila,masayang namimili ng laruan si Maraellah habang tumitingin din si Marah.

Sa Di kalayuan ay isang lalaki ang bahagya pang lumapit upang masigurong ang dalagang kilala nga nya ang nakikita.

"Sya nga!! di ako maaring magkamali!! pumuti lng sya kaya lalong gumanda pro sya yan si Marah!" wika ng isip ni Jayd.minatyagan nya ang babaeng nakatalikod at biglang dumilim ang kanyang mukha ng mapagsinong kasama nito ang batang babae.

"Marahil ay anak nya!" bulong ng isip ng binata ngunit agad ding napawi ng marinig nitong tinawag sya ng bata ng "TiTa" kayat naglakas loob na lumapit ang binata.

"Hindi ko alam na may kapatid ka pala?" wika ng binata na nagpalingon sa dalaga at bahagya pang nanlaki ang mata nito.

Bigla naman tinambol ang puso ng dalaga ng Marinig ang baritonong boses ng binata.tila nagising ang mga kabayong natutulog sa kanyang dibdib at nagwawala ang pakiramdam ng dalaga.

Ilang sandali din syang natulala at nakatitig lamang sa mukha ng binata.

Lalo itong naging gwapo ang katawan ay namumuno sa muscel at ang......ang bango nya!" wika ng isip ng dalaga.

Mabuti n lng at inuyog ng bata ang kanyang kamay kayat nagbalik sa katinuan ang kanyang naglalakbay na diwa.

IKAW LANG ANG MAMAHALIN (Series 1:MY BESTFRIEND'S HUSBAND)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon