AIRA POV;
"Hi,kanina ka pa?,sorry nalate ako."
"it's okay,tara!!!"
Andito kasi kami sa park nalate ako kasi medyo nawala sa isip ko,hindi ko na lang binanggit sa kanya kasi baka magtampo sya na nakalimutan kong niyaya nya akong magdate.
"are you sure na okay lang dito tayo?,pwede naman sa ibang lugar,kung gusto mo."
Humarap sya sa akin at sinabing "kahit san naman okay sa akin eh as long as kasama kita walang problema kahit saan pa yan."
Ayan na naman sya sa pagpapakilig sa akin,hinampas ko lang sya sa braso pero lalo lang lumapad ang ngiti nya.
Nakakahiya naman kasi sa porma nya,pero simple lang naman talaga ang suot nya t-shirt at maong pants na binagayan nya ng converse na sapatos bagay lang talaga sa kanya,kahit anu pang isuot nya nagmumukha syang modelo,pinagtitinginan na nga kami eh.
Magdadate daw kami,ayos naman pero saan kaming park nandun,dito lang naman sa park malapit sa village namin,kaya nga nahihiya ako,I mean is nakakahiya para sa kagaya nya na dito lang kami tapos ang gwapo ng itsura nya.
First time din naming lumabas simula nung manligaw sya sa akin,sa loob ng eight months na panliligaw nya sa akin sa school at sa bahay lang kami.
Lagi nya ako niyaya lumabas pero dahil kapag topic na kung saan kami pupunta naiisip namin na parehas kami unfamiliar sa mga lugar na yon,kaya in the end sa bahay na lang kami,pinagluluto ko nga sya,kwentuhan at asaran lang.
Naisipan nyang dito kami pumunta,kung wala daw kami hilig sa ibang lugar atleast daw dito kumportableng maglakad lakad kami
"ito tikman mo dali." inabot nya sa akin itong ice cream,nakaupo ako dito sa bench.Iniwan nya ako dito kanina at pagkatapos ay tumakbo nga sya para mabili itong ice cream.
"di bah masarap!?."
"hmmm masarap nga."
Masarap pala talaga ang ganitong ice cream,naalala ko nung maliit ako dirty ice cream ang tawag ni Mommy dito pero hindi nya ako ibinili nun,instead dinala nya ako sa grocery at dun binili ng ice cream na nasa gallon.
"hihi halata talagang ngayon ka lang nakatikim nyan.nag istar istar pa yang mga mata mo eh."
Nagpout lang ako sa sinabi nya,eh anu magagawa ko sa ngayon lang talaga ako nakatikim nito eh,kapag kasi dinadala ako ni yaya noon dati sa park dun sa dating bahay namin nung bata pa ako amaze na amaze ako sa mga kagaya kong bata na kumakain nito,
Aliw na aliw silang dinidilaan yong ice cream na tumutulo sa apa nung ice cream para hindi tumulo sa kamay nila,at ganito pala yong feeling,great.!!
"halika."
Hinila nya ako sa braso at dali daling naglakad,saan ba ako dadalhin ng kumag na ito at basta basta na lang nanghihila.
"ito oh."
Inabot nya sa akin ang isang stick,dito pala sa harap ng nagtitinda ng fish ball kami pupunta.Pinagmasdan ko lang sya nung tumutusok na ng fishball at may kikiam pa na nasa kawali pa lang,pagkatapos ay isinawsaw nya ito sa isang sauce.
"try it."
habang nakatingin sya ginawa ko rin ginawa nya kanina at kinain ko nga yon.
"waah masarap din."
Ti nap nya lang ang ulo ko at ginulo na naman ang buhok ko,kung dati medyo naiinis ako sa ginagawa nya dahil feeling ko nun bata nya akong ituring at isa pa nagugulo talaga ang buhok ko, hindi na ngayon dahil inexplain nya sa akin kung bakit nya ginagawa yon,masaya daw sya kasi napasaya nya ang taong mahal nya at mahalaga sa kanya.