ANDRICK;
I lied,.......nagsinungaling ako sa kanyang may meeting ako at may aasikasuhin.Hindi ko rin alam kung bakit,alam ko nakakahalata na s'ya na may issue kami,last night kasi nung nagkausap kami sa phone,iniwasan ko na ang mga sasabihin n'ya kaya sabi ko ngayon na lang sana kami mag-usap pero nung makita ko s'yang natutulog na malungkot at may bahid pang luha ang kanyang mga mata,naduwag ako.
Naduwag ako kung ano ang pwedeng mangyari after namin mag-usap.I don't know kung bakit 'yon ang naramdaman ko.
Pero may gusto akong gawin,at 'yon ang alam kung tama para sa amin.'Yon ang makakabuti para sa relasyon namin.
"tol," tawag ni Dustin sa akin at saka ako tinapik sa braso.
"Can we talk,kahit saglit lang?"
"No," nagulat s'ya sa sagot ko pero napatango din sa huling sinabi ko bago ko s'ya talikuran,
"We should talk." nakuha n'ya naman ang ibig kong sabihin sa inasta ko kaya sumunod na s'ya sa akin,kailangan namin mag-usap..ng masinsinan.
_______
AIRA;
Dumiretso ako dito sa bahay after n'ya akong iwan kanina sa school,wala na rin naman dahilan para magstay pa ako don,wala ng klase at sa kanya na din mismo nanggaling na hindi n'ya ako maihahatid.
Pabagsak akong naupo sa couch pagkapasok ko ng bahay.
"Oh! hija,ang aga mo yata.Kumain ka na ba?"
"Hindi pa nga po." pag-amin ko naman sa tanong ni Yaya Pearl,1pm na pero hindi pa nga ako naglulunch,ni hindi man lang kasi ako nagawang tanungin ng boyfriend ko kanina,haist! tama na nga,naiinis lang lalo ako.Alam ko namang hindi dapat dahil hindi naman sa lahat ng oras ay responsibilidad n'ya ako.
Natigil ako sa pag-iisip ng mapansin ko ang hawak ni Yaya Pearl na mga bulaklak at inilalagay na sa vase,napansin naman agad ni Yaya Pearl ang tingin ko.
"Pinakialaman ko na pala,kanina pa kasi itong umaga sa kwarto mo.Nakalimutan mo yata sa sobrang pagmamadali mo kanina." Kumunot naman agad ang noo ko sa mga narinig ko.
"Sa kwarto ko po?"
"Wag mong sabihin hindi mo ito nakita,ang alam ko s'ya ang naglagay nito dun pagkatapos bumaba na s'ya,sinabi n'yang natutulog ka pa at hindi ka na n'ya ginising." well,obviously hindi ko talaga napansin ang mga bulaklak na 'yan kanina.
"Si Andrick po,galing dito kanina?" hindi ko talaga makapaniwalang tanong pero wala naman s'yang sinabi kanina sa akin na galing na s'ya dito.He told me,tinanghali s'ya ng gising.Pero sa kabila nun napangiti na lang ako.