chapter 30: A kiss?

96 1 0
                                    

ANDRICK;

     "A,bakit mo naman sila pinalabas?" matatawa sana ako dahil slow ang girlfriend ko pero nangingibabaw pa rin talaga ang inis ko kay Miguel,kay Miguel na masyadong polluted ang utak,gayundin si Cecile,hahawaan pa 'tong isang ito.

  

     "tss,mabaho ang mga sapatos nila,dala-dala ang amoy hanggang dito sa loob," nasabi ko na lang,nonsense 'yon pero hindi ko naman pwede sabihin sa kanya na,kasi 'yong dalawang ugok tinatanong kung ano ginawa natin?kung nag-ano daw tayo?........E ano naman kaya itsura ko nun kung ganon ang sasabihin ko sa kanya?

     "hindi naman ah," hindi ko na lang alam kung ano pa ang isasagot ko sa kanya kaya hinila ko na lang s'ya ulit para mahiga.

  

     "halika nga dito,ako na lang ang pansinin mo,wag mo na intindihin 'yong dalawang may saltik na 'yon."

 

     "hmmm,lambing ba yan o tsansing?" sumama ang mukha ko sa sinabi n'ya.Haist....nakalimutan ko,wala nga palang sweet bone sa katawan 'tong girlfriend ko ay hindi pala,meron naman hindi lang s'ya ganon kashowy at hindi halata dahil nangunguna ang kasungitan n'ya.

 

     "good morning A," untag n'ya ng hindi na ako kumibo pero nakayakap pa rin ako sa kanya at nakapikit habang pareho kaming nakahiga."A,"....

   

     "A,?"

 

     "good morning din." sabay kiss ko sa cheeks n'ya.

  

     "thank you,"

   

     "for what?" balewalang sagot ko sa kanya,naman busy kasi ako,nageenjoy kasi ako sa amoy ng kanyang buhok.

 

     "for loving me and....sa super duper mong pagpasens'ya sa akin."

 

     Naimulat ko ng bahagya ang mga mata ko,"lagi ka na lang nagtha-thank you,feeling ko tuloy one sided love lang 'tong sa atin sa tuwing nagtha-thank you ka,"

 

     Hindi ko rin alam ang trip ko nung sabihin ko 'yon,,maybe because 'yon ang nararamdaman ko o baka naglalambing lang talaga ako sa girlfriend ko at gusto ko lang makarinig ng mga assurance mula sa kanya.

    

     Para malaman n'yo kasi,hindi lang naman ang mga babae ang nangangailangan ng assurance mula sa mga lalaki s'yempre vice versa dapat.

 

     She sighed,mukhang seryoso paguusapan namin,nakahiga pa rin kami habang nakapaharap ako sa kanya at nakaharap din s'ya sa akin,hinaplos n'ya ang pisngi ko,"alam mo ba ang pinaka special na araw sa akin?" seryosong tanong n'ya.

  

     "special?,nung makilala mo ako? may pagkaconfident kong sagot.Napasimangot lang ako nung umiling s'ya,

  

     "confident much huh," pangaasar n'ya pa na lalong nagpalukot sa mukha ko.

 

     "hay!," biglang sabi n'ya......"you never failed to make me fall for you over and over again," huh?,gusto ko sana itanong pero nababato ako sa mga lines n'ya.Of course,I'll do everything para lalo pa n'ya akong mahalin.

Selfish Ako Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon