ANDRICK POV;
"anu kumusta anak may progress na ba.?"..agad na tanong sakin ni dad pagkababa nya ng sasakyan.
Ilang week's kasi syang hindi nakauwi dito,madami daw kasi syang inasikaso sa villa,may ilan kasi syang pinapaayos,magbabakasyon na kaya mabibisita na naman yun ng ilan sa mga kamag-anak namin,at isa pa mayroon kaming reunion every year at dun madalas ginaganap..
yinakap ko naman sya namiss ko rin makipagbonding sa kanya.."ayun dad as of now we're friends"..masiglang balita ko naman sa kanya.
"that's great,pero kunting bilis pa para maipakilala mo na sya sa amin,o kaya naman kung ganun na kayo kaclose bakit hindi mo sya iimvite dito sa bahay para naman matulungan ka namin."...sabi ni dad na malapad ang ngiti habang nakaakbay sa akin papasok kami sa loob ng bahay.
nagtawanan lang kami...si dad talaga alam ko na kasi ang inaalok nyang tulong,ibebenta nya lang naman ako kay Aira.
______
matapos ang mahabang kwentuhan namin nila dad,nagpaalam muna sila na may bibisitahin daw kamag-anak namin.
hindi na ako sumama may tatapusin pa din ako para dun sa ball,kanya kanya namin inuwi ang mga natitirang gawain namin para matapos na, malapit na rin kasi..
habang gumagawa dito sa kwarto napansin ko yung cellphone ko,napangiti ako bigla at naisip na friends naman kami,binigay nya yung number nya sa akin so pwede ko sya itext.dali dali akong nagcompose ng message.
["gud morning =)."]...sabi ko sa text,message sent....sana magreply sya.
ilan minutes na din pero hindi sya nagreply,baka busy,baka walang lud,tange mayaman yun natural na kalinya yun....ayun nagtatalo kami ng isip ko..."hayts"..sabay hinga ng malalim at salampak sa kama.T_T
*toot toot toot
napabalikwas ako pagkarinig ko ng message alert tone,binasa ko yun pero nadismaya lang ako nung malaman na kay Miguel lang pala galing.=(
["tol,nandito ako sa kusina,kain tayo.?"]..,yan yung sabi ni Miguel kahit kelan talaga pahulihin yan,hindi nya naabutan si dad kanina.
["tpz na ,wag ka ng umuwi pgktpz u kumain.dito ka muna,dumating na si dad,may pinuntahan lang."]...reply ko sa kanya,hinahanap kasi sya ni dad,hindi na kasi sila nagkikita,pasaway kasi itong si Miguel,tanghali na kung pumunta dito.
tinapos ko na lang yung ginagawa ko..himala hindi yata ako binubulabog ni Miguel,anu kayang ginagawa ng mokong na yun.//
baba na sana ako para tingnan si Miguel,natapos na rin kasi ako sa ginagawa ko ng...
*toot toot toot
baka si Miguel naman,hindi ko na sana babasahin kaso naalala ko baka importante yung text.
["hu u?."]..napangiti na sana ako kasi galing kay Aira yung mensahe,pero bakit ganun?..sabay kamot sa ulo nung maalala kong number nya lang pala binigay nya sa akin hindi ko pala nabigay number ko sa kanya,tinext ko sya kanina pero hindi ako nagpakilala,,failed ka na naman dun Andrick..T_T
["aq ito c Andrick,nakalimutan ko pala magpakilala."]..reply ko,nagreply naman sya agad.
["sb na nga ba,ikw yan..sau q lang naman kc binigay # q."]..sabi nya sa text
["anu ginagawa mo,naabala ba kita?."]..ako
["hindi naman tinutulongan ko lang si Yaya Pearl magluto."]..sya napangiti ako sa text nya.
["marunong ka mgluto?"]..ako
["yeah,wla naman kc aq pingkakaablahan,bukod sa mga books,cooking ang alm q gawin pamplipas oras."]..sya.. natuwa ako kasi medyo nagshashare sya ng about sa kanya sa akin.