chapter 24: special day ever

127 4 2
                                    

ANDRICK POV;

~Happy birthday to you

Happy birthday to you

happy birthday,happy birthday

Happy birthday to you......

Sa eighteen years ng existence ko dito sa mundo halos hindi na sa akin bago ang magkaroon ng surpresa mula kay mom and dad pati na rin sa little sister ko sa araw ng birthday ko pero kahit ganun pa man talagang nasusurprise pa rin ako sa mga ginagawa nilang pakulo para sa akin.

Pero hindi ngayon,dahil hindi sila ang nasa harapan ko kagaya ng inaasahan ko.

Pagkagising ko ngayong umaga,pupungas pungas pa nga ako hindi ko inaasahan na sya ang bubungad sa akin,hindi naman sa ayaw ko actually it is my dream pero I didn't expect na ngayon na mismong araw na ito.

"Surprise,.."

Kinusot ko pa ang mata ko ng paulit-ulit,baka naman kasi namamalikmata lang ako,hindi pa ako nakuntento kinurot ko pa ang kabilang pisngi ko,sa pagaakalang nananaginip lang ako.

"hahahahahaha."

Pero narinig ko lang ang tawa nya mukha naman kasi akong bading sa harapan nya ngayon dahil sa ginagawa kong pagkurot sa sarili ko.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nung lumapit na sya sa kama ko at umupo sa side ko.

"happy birthday." Sabi nya pa.

"blow your candle and make a wish." Umiling ako nung sinabi nya yon,naupo lang ako mula sa pagkakahiga ko kanina.

Kumunot naman agad ang noo nya kagaya ng lagi nyang ginagawa."why?,hindi mo bah nagustuhan?." tanung nya pa habang nakanguso.

Hinipan ko ang kandila sa cake at nabasa ko ang dedication na,'Happy birthday Andrick Crush' napapangiti na ako dahil dun pero pinigilan ko muna.

Kinuha ko sa kanya ang cake at ipinatong ko sa table na nasa tabi ng kama ko,lalo pang nalukot ang mukha nya sa ginawa ko,pero bigla syang namula nung iharap ko sya sa akin gamit ang dalawang kamay ko na nasa magkabilang pisngi nya.

"Hindi ko na kasi kelangan humiling pa,nandito ka na sa harapan ko,isa na lang ang dapat kung gawin.........ang magthank you." seryoso kong sabi sa kanya pagkatapos nun ay pumikit ako.

"thank you Lord for this day,and for the only girl na nasa harapan ko,thank you kasi dumating sya sa buhay ko." bago pa man dumilat ang mata ko eh nakayakap na sya sa akin."happy birthday." masaya nyang bati sa akin.

Ilang minuto pa kami nagyakapan ng mahigpit bago sya bumitaw sa akin.

Hindi pa rin ako makapaniwala pero hindi ko maitatangging sobrang saya ko ngayon.

"bangon na dyan,nakakahiya nasa mommy at daddy mo,ang sabi ko gigisingin lang kita." nakangiti nya pang sabi habang hinihila ang braso ko.

Kahit sobrang nagtataka na ako at nandito sya sa bahay at anu daw mommy,daddy ko,magkakilala na sila hindi ko ata alam yon.Hindi ko pa naman kasi sya naipapakilala sa kanila,pero mamaya ko na lang itatanung yon,mas gusto ko ganito kami.

"ayaw ko pa mamaya na lang baka kasi pag bumangon ako eh...mawala ka."

Nagtaka naman sya sa sinabi ko,"baka nanaginip lang ako." sabi ko pa.

Umupo naman ulit sya sa tabi ko at sya na pumisil sa pisngi ko."aray."

"anu 'di hindi ka na nanaginip ngayon." natatawa nyang sabi.

Selfish Ako Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon