chapter 21: Batangas (part 2)

140 2 1
                                    

AIRA POV;

Pagkatapos namin magmeryenda ay umakyat na ulit kami sa kwartong okupado namin para magshower pinagpawisan kasi kami ng bongga sa paglalaro namin.

"tulala ka dyan bessy?."

"ha hin-di,napagod lang ako."  iniisip ko pa rin kasi yong joke ni Andrick o tamang sabihin affected ako at kung san san na nakakarating ang utak ko,hihihi.

"sobrang pinagiisipan mo yung dare mo kay Andrick ah!." kumunot lang ang noo ko,pero grabe lang wala na bah talaga ako maitago sa kanya o mind reader lang sya.

"yeah truth and dare na lang para exciting at pumayag naman ang mga luko kaya naeexcite talaga ako." bulalas ni Cecile.

Pakiramdam ko naman namula ako sa sinabi nya kasi naalala ko naman yung joke ni Andrick so it's mean na ganun nga yong nasa isip nya,lalo naman lumawak yung iniisip ko.Naiimagine ko na dinare ko daw si Andrick na ikiss nya ako at nakangiti nya ngang gagawin yon sa akin,pinilig ko ang ulo ko sa isipin na yon ang grabe!!!!!.. kelan pa ako naging naughty.

"nag blushed ka Aira!!...o_o... grabe iniisip mo yon,kunsabagay pwede naman yon." she giggled..."Ouch." pero napangiwi sya ng hinampas ko sya sa braso kasabay ng pandidilat ko sa kanya ng mata.

"owws kunyari ka pa.".....

"Ahhhhh.....Cecile." hindi ko na mapigilan mapasigaw.

"girls may problema bah?.Aira bakit ka sumigaw?." yong kanina pamumula ko ngayon sigurado akong dobleng doble na yon hindi ako makagalaw,bakit nandito si Andrick.

"ha drick,wala naman ito kasi si Aira iniisip nya lang yung da-awwww."

Kakalbuhin ko na itong babae ito eh,inapakan ko sya sa paa nya grabe balak pa yata akong ilaglag kay Andrick.

"okay lang bah talaga kayo?." nagtatakang sabi ni Andrick

Hindi ko sya sinagot sa halip inirapan ko lang sya,tinulak palabas ng room at pinagsaraduhan pa ng pinto rude na kong rude.

*tok

*tok

*tok

Nakasandal lang ako sa likod ng pinto at hindi ko pinapansin ang pagkatok nya.

"Aira."

Patuloy pa rin sya sa pagkatok.

"okay okay I'm sorry nagulat lang ako nun sumigaw ka akala ko may nangyari sayo,magkatapat tayo ng room at naiwan nyo yung pinto nyong bukas kaya nagalala ako ng sobra nung marinig ko yung malakas mong sigaw."

"sorry ulit,bumaba na lang kayo pag tapos na kayo dyan."

Naramdaman kong papaalis na sya sa harap ng pinto,I sighed bakit bah ang bait bait nya.Dahil sa pagalala nya sa akin hindi ko maiwasang mapangiti.

"tss,crazy inlove."

Here we go again it's time for my revenge sa gulat nya sya naman napasigaw "aaaahhh." Dinamba ko kasi sya kaya napahiga kami sa kama at sinimulan ko na syang kilitiin kahit paulit ulit syang nagmamakaawa na tumigil na ako,hindi ko pa rin sya pinakinggan.

Hindi namin ito ginagawa dati pero mukhang mauulit ito nageenjoy ako eh,sweet revenge.Kahit ako hindi ko maiwasan maluha sa kakatawa.

"hahahahaaha hahahaaha"

"hahahah ahhh tama na please Aira stop it mamamatay na a-ko can't you see?."

Pagkasabi nya nun kahit ayaw ko pa,eh tumigil na ako at pagod na pagod ng napahiga sa kama ngayon lang kami naging magulo ng ganito grabe ang saya pala.=)

Selfish Ako Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon