chapter 10: Finally

196 6 2
                                    

ANDRICK POV;

  Pagkatapos nung lakad namin sa mall naging sobrang busy na ako,isa kasi ako sa mga naassign na tumulong sa pagaayos ng event,malapit na kasi magend ang schoolyear...

kami ang nagoorganize ng decoration,sa food at lahat lahat ng kekelanganin sa nalalapit na recognation ball..

si Aira....ayan napapangiti ako pagnaiisip ko sya....okay na kami...*_* oops okay pa lang kami ha!. hindi pa kami pero darating tayo dun...naks lakas ng fighting spirit ko..=)

"tol,masama na yan ngumingiti ka dyan bigla bigla."...gulat sa akin ni Miguel

nginitian ko lang sya ng malapad...*___*

"lakas talaga ng tama mo noh,ligawan mo na"..Miguel

umiling lang ako,,ito naman si Miguel nagtataka sa reaksyon ko..

"bakit naman?..wag mong sabihin hindi ka pa nanliligaw natarayan ka na agad?..sabi sayo eh ibang klase yung babaeng yun.." Miguel na parang siguradong sigurado sa naisip nya,pailing iling pa..."aray anuh..?" ayun nabatukan ko nga.

"pwede ba magtigil ka dyan...lubayan mo pati ako,,wag kang panira..." sagot ko kay Miguel na ngayon ay nakahawak pa din sa ulo nya,napalakas yata batok ko sa kanya..

pasaway kasi nakuha nya yan..okay nga kasi kami ni Aira katunayan nga nyan nakasabay ko pa sya kanina pagpasok sa room,actually hinihintay ko talaga sya sadya para kahit man lang pagpasok sa room magkasabay man lang kami pagkatapos kasi ng isang subject namin dumidiretso na ako dito sa room ng Student Council para tumulong nga para sa event..

"cge ganyan ka na naglilihim ka na sa kin."... pagdadrama ni Miguel...napailing na lang ako...

"lagi na lang si Aira,si Aira na lang palagi ang dahilan ng pagngiti mo,,ako nga nakakasabay mo paglunch pero lumilipad naman ang isip mo sa kanya..,lagi na lang sya pwede naman ako,ako ang nandito."..hindi ko na lang pinansin si Miguel sa kalukohan nya,,patuloy pa din sya sa pagdadrama nya habang nakapout pa,,mukhang ewan lang....

sya nga ang nakakasabay ko paglunch,nung minsan niyaya ko si Aira pero hindi natutuloy sa sobrang busy nga,madalas late na nga kami maglunch...=(

*ting...parang light bulb lang..

bakit ngayon ko lang nga bah naisip since hindi ko sya kaya sabayan paglunch pwede ko naman sya yayain magmeryenda....tama,,tama

bibilisan ko na lang para matapos ko ng maaga itong ginagawa ko..

si Miguel ayun yung ibang istudyante naman na tumutulong din dito ang ginugulo nya maige naman at tinigilan nya na ako,dinedma ko lang kasi sya kanina sa kalukohan nya.

Ganyan ang ginagawa nya dito...pinilit nya akong isama sya dito para matulungan nya daw ako kasi wala naman na kami masyado ginagawa sa klase pero panggugulo ang ginagawa nya,,,joke lang  tumutulong naman sya kaso hindi pwedeng walang kalokohang kasama..-_-

_______

naghihintay ako ngayon dito sa parking lot,pagkatapos na pagkatapos ko kasi kanina hiningi ko agad kay Miguel yung cellphone number ni Cecile para itanung kung nasaan si Aira.

buti pa sila nagpalitan na ng number kami kaya ni Aira kelan?,,ayaw ko naman hengin sa kaibigan nya,mas maganda kasi kung sya mismo magbigay sa akin..++

tinawagan ko nga si Cecile at dahil makulit ang lahi nya kagaya ni Miguel,nasabi ko sa kanya na balak ko ayain si Aira na magmeryenda sa labas wala naman ako naging problema dun katunayan nga nyan nagvolunter pa syang sya na maghahanap kay Aira at dadalhin na nga lang dito sa akin,para daw hindi na makatanggi...

Selfish Ako Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon