THIRD PERSON'S POV;
Lumapit si Aira sa kaibigan nya para tumulong sa pagiihaw ng barbeque at hotdog na pagkain nila.
"oh bakit hindi ka pa naliligo?." tanung naman sa kanya ni Cecile pagkalapit nya.
"later na lang,tulungan na lang muna kita dito."
"cge para matapos na natin ito para makaligo na rin tayo."
Ngumiti na lang si Aira at nagsimula ng magpaypay sa apoy.
"kukunin ko lang yong lalagyan ng mga naluto natin." Cecile
"okay."
Habang abala sya sa pagiihaw hindi nya napansin ang biglang paglapit sa kanya ni Steph.
"hi,tulungan na kita dyan." masayang bati sa kanya ni Steph,pero hindi nya talaga gusto ito dahil na rin sa kanyang pagseselos kaya lihim syang napasimangot pagkakita dito.
"hindi okay lang matatapos na rin naman,magaamoy usok ka lang dito oh." pasimpleng pagtataboy nya dito.
Dahil may likas rin na kakulitan tong si Steph dinaan nya sa biro itong si Aira para makuha ang loob nito.
"sabi nila Andrick masungit ka daw,mukhang hindi naman eh."
Napataas naman agad ang kilay dun ni Aira at napabulong 'masungit at mataray talaga ako kaya kung ayaw mo matarayan kita umalis alis ka na sa harapan ko.'
"may sinasabi ka?."
"ha wala naman anu naman sasabihin ko?." maang nya naman sagot pero medyo naiinis na talaga sya.
"matagal na bah kayong magkakilala nila Andrick?." pangungulit pa ni Steph
"ahm ma one year na din." walang gana nya naman sagot habang abala pa rin sa pagiihaw,nagtataka kasi sya sa babaeng kaharap nya,sa amerika ito nakatira pero straight pa rin kung magtagalog,baka hindi lang marunong gatong naman ng isip nya,kaya sya napangiti.Nawala sa isip nya na kaharap nya si Steph.
At dahil nga busy sya kakamuni muni hindi nya napansin na may sinabi si Steph kanina.
"ngumiti ka ibig sabihin pumapayag ka na maging friends tayo?!."
"ha-." kaya natigilan sya sa ginagawa nya pagkarinig nya nun.'Friend???ayaw ko nga nasabi nya sa sarili nya.'
"tinanong kita kung pwede sana tayong maging friends,napansin kong ngumiti ka kaya akala ko okay lang sayo." Nakayuko na si Steph habang sinasabi yan."Ayaw mo ba?."
Naguluhan naman si Aira sa sinabi nito,hindi nya malaman pero naawa sya dito.
"hindi okay lang,anu ka bah!!." tanging nasabi nya.
At hindi nya inaasahan yayakapin sya ni Steph dahil dun,"thank you ha,sabi na eh hindi ka naman talaga masungit,g*go talaga yun si Miguel hayaan mo sasapakin ko mamaya." parang bata naman sabi ni Steph sa kanya pagkabitaw nito kaya napangiti na lang sya.
Medyo nahiya pa sya sa sarili nya kasi kanina lang ayaw nya sa babaeng ito pero ngayon nagugustuhan nya na pakiramdam nya kasi may pagkapareho sila ng ugali,yon yung pagiging amazona sa nambubully sa kanila.
Hindi na rin nya namalayan na masaya na pala syang nakikipagkwentuhan dito.
"si Andrick hindi naman talaga masyadong bully yon nahawaan lang ni Miguel,kaya sya talaga ang salarin." Steph
"tama ka dyan,pero dahil nga nahawa na din,kaya minsan nakakainis na rin sya."
"mukhang narinig ko ang pangalan ko ah." sabay lapit naman nitong si Andrick sa kanila,ang balak nya sana ay kumuha ng plato sa loob pero dahil narinig nga nyang naiinis daw sa kanya si Aira ay lumapit na sya sa mga ito,mukha naman kasing nagkwekwento lang talaga si Aira kaya nakiusyoso sya.