CECILE POV;
"anu nakausap mo na ba?." agad na tanong sa akin ni Mikah pagkadating nya.Napag-usapan kasi namin kagabi na magmamall kami at maglalakwatsa na rin at isasama namin pilit si Aira kaya nandito sya ngayon sa pad ko.
"hindi nga sinasagot ang tawag ko eh." Naabutan nya kasi akong busangot habang kinocontact si Aira,nagriring naman pero hindi sinasagot.
"ahm ako na lang tatawag kay Andrick,sabihin ko daanan nya na lang si Aira mas sure pa yon na hindi nya matatanggihan ang kacutetan ni crush."
"tama ka jan girl,cge tawagan mo na ipaghahanda lang kita ng maiinom." patawa tawa na lang ako papunta sa kitchen ko pagkatango nya,si Mikah sawi kay Andrick crush nya kasi yon since first year high school kami,pero hindi naman nya kinasama ng loob na kay Aira ito nanligaw sa katunayan nga natuwa pa sya at pati na rin ako.
Simula kasi nung naging mag kaibigan na silang dalawa eh medyo nabawasan na pagkamataray nitong si Aira although masungit pa rin sya hindi na kagaya noon,at ang mas nakakatuwa eh tumatawa na sya ng madalas lalo na nung nanligaw ito sa kanya.
And we hoping na magtuloy tuloy na yong pagiging masayahin nya.Alam namin may nararamdaman na sya kay Andrick pero gaya nga ng sinabi nya hindi naman siguro masamang pakiramdaman nya muna si Andrick or yung sarili nyang feelings kung sigurado na bah talaga yon,naintindinhan naman namin sya takot lang syang masaktan at ayaw namin mangyari yon kasi alam namin hindi na yon makakayanan ni Aira.
Napabuntunghininga ako bago ko binuksan ang fridge.
"para saan naman yon?."
umiling lang ako at ngumiti "oh anu kumusta anung sabi?." tanong ko pagkaabot ko sa kanya ng basong may lamang softdrinks.Ininom nya naman muna agad yon bago nagsalita.
"okay na,mauna na raw tayo susunod na lang daw sila."
"cge magbibihis na ako wait me in 10 minutes."
"okay." sagot nya pero sumusunod sya dito sa room ko.
"bessy anu sa palagay mo magwowork kaya itong plano natin?."
Actually kaya kami maglalakwatsa ngayon at isasama namin yong dalawang taga probinsya syempre nga si Andrick yon at si Aira eh para naman makapagdate man lang sila sa labas,medyo okay naman sila nakikita naman namin yon pero hindi sila mahilig pumunta sa mga mataong lugar kagaya namin na normal,haha.
Hindi naman sa pinapakialaman namin sila okay ngayon sa bahay daw nila Aira sila madalas,pero kasi gusto namin mag explore naman sila hindi yong bahay at school lang alam nila pagdate tan hihi.
"oo magwowork yon." paniniguro ko sa kanya,pero hindi pa rin sya kumbinsido hindi ko rin naman sya masisisi knowing Aira and Andrick,bahala na wala naman sigurong masamang itry namin.
_____
AIRA POV;
"hija may bisita ka." nagtaka ako sa sinabi ni Yaya Pearl kaya lumingon ako pagkasabi nya nun para makita kung sino naman,pinatay ko agad itong hose ng tubig na hawak ko nagdidilig kasi ako ng halaman dito sa garden pagkakita ko kay Andrick na ngiting ngiti,bakit nandito sya,I mean bakit biglaan wala naman kami pinagusapan kagabi na magkikita kami ngayon ah.
"Hi."
"hello,upo ka."
"naabala pa yata kita."
"hindi naman,wala lang magawa kaya nililibang ko sarili ko dito sa mga halaman,bakit may kelangan ka bah?,I mean biglaan kasi yung punta mo magkausap naman tayo kagabi pero hindi mo sinabing pupunta ka."
"ahm tinatawagan kita kanina pa sa phone mo pero hindi mo sinasagot kaya dumiretso na lang ako dito."
"ay yong phone ko,sorry nasa itaas naiwan ko sa room." paliwanag ko habang nakakamot pa sa ulo ngayon ko lang kasi talaga naalala yong cellphone ko.