(a.n;)......sorrysamatagalnapaghihintaynyo....busylangpotalagasanawagnyoiwanangstoryko.....tnxs.....=)
ANDRICK POV'S
Masaya ako kasi Girlfriend ko na sya at kahit hindi ako ang nagpakilala sa parents ko sa kanya eh nagustuhan nya ang mga ito,at ganun din ang parents ko sa kanya.
Nagkwentuhan lang kami kanina habang kumakain ng breakfast dito sa garden,hindi ko talaga inaasahan na ngayon na yon mangyayari,pinangarap ko lang kasi yon dati,ngayon nagkatotoo na at nakakatuwa kasi masaya talaga kaming nagkwentuhan kanina,nakakailang yong kwento ng parents ko kasi syempre yung baby life ko ba naman yon eh,pero napakasaya ko nun kasi nakita ko kung gaano kaenjoy si Aira sa topic na yon.
Humahagikhik pa sya nung mga oras na yon,Big deal sa akin yon kasi naalala ko sya nun nung unang punta nya dito,napakataray nya nun,at mukhang malalim ang kalungkutan sa mata
pero ngayon pan second time nyang pumunta dito,talagang iba na.
"happy birthday ulit,sana napasaya kita." lumingon ako sa katabi ko at hinila sya para mayakap.
"sobra pa sa inaasahan ko ngayong araw na ito,at masasabi kong sa lahat ng birthday ko da best ito.."
Gumanti naman sya ng yakap dahil sa sinabi ko,nandito pa rin kami sa garden..after kasi nila ipaliwanag sa akin kung bakit magkakakilala na sila eh nagpaalam ang mga magulang ko na may pupuntahan daw,bibisita sa kamag-anak namin.
Natawa ako sa ideya nila,I know kasi na wala naman talaga silang mga lakad,dahil kapag birthday ko holiday nila sa trabaho at sa mga lakad nila.
Kanina pa kasi nila kami itinataboy para magdate daw,ang kaso hindi nila alam na pareho kami ni Aira na walang idea sa mga date date na yan,"dito na lang po kami ni Aira sa garden,mukhang nageenjoy naman sya dito eh." ang nasabi ko na lang sa kanila kanina,sinangayunan naman iyon ni Aira."opoh dito na lang po kami,refreshing pa po ang hangin dito keysa sa labas."
Nung una nagtaka ang parents ko,siguro dahil alam nila lahat ng kabataan ngayon mahilig gumimik,pero iba nga kami kaya napatango na lang sila at hinayaan kami dito at sila na nga lang ang umalis.Masaya din ako at nakikita kong masaya sila para sa akin and they trust me.Iba ang feeling nun na ang parents mo may tiwala sayo na hindi ka gagawa ng kalokohan.And I love them very much at hindi ko sisirain ang tiwalang yon.
"anung iniisip mo?." tanung nya sa akin,busy sya kakatingin na mga isda dito sa man made fishpond namin,nakayakap ako sa likod nya,may maliit kasi kaming bridge dito na nasa ginta ng pond para syang swiming fool na hindi naman kalakihan nasa bandang dulo ito ng garden namin,nakasandal kami sa bridge at pinagmamasdan ang mga isda.
"ikaw." pinalo nya ako sa kamay sa sagot ko.
"pfft..bakit totoo naman yon,iniisip ko kung totoo ba lahat ng ito." humarap sya sa akin at tiningnan ako.
"kanina ka pa,ayaw mo yata eh." maktol nya at nagpout pa..cute!
"wala akong sinabing ayaw,ikaw itong nangsurprise di ba?, so ito ako ngayon surprise na surprise pa din."
"tsk,ewan."
"tingnan mo ito magtatanung ka tapos ayaw mo naman maniwala sa akin,hindi mo naman yata talaga ako mahal,wala ka lang sigurong panregalo kaya mo ako sinagot ngayon." bigla syang namula at napatakip ng kamay sa bibig nya,don't tell na totoo ang sinabi ko.
Napakunot tuloy ang noo ko sa inasal nya,nahawa na ako sa kanya sa pagkunot ng noo.
"what's with that frown?.." ayan napansin nya pero hindi ako sumagot.