AIRA;
Maayos ang gising ko pero feeling ko ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon,haist!ano ba ito?
"May problema ba anak?" nilingon ko naman agad ang nag-aalalang mukha ni Mang Damian,family driver namin s'ya pero kagaya ni Yaya Pearl anak na niya ako kung ituring.
"Ang lalim kasi ng buntong-hininga mo diyan,masama ba ang pakiramdam mo?"
"Ah,hindi naman po.May iniisip lang po ako,salamat po sa pag-alala."
"Wala 'yon hija,pero kung may maitutulong naman ako sayo sabihin mo lang," napangiti naman ako sa ipinapakitang concern sakin ng tatay-tatayan ko,na kahit nga hindi kami magkadugo ay nand'yan sila ni Yaya Pearl para umalalay sa akin....pero napawi ang ngiti ko ng maalala ko na naman ang sarili kong ama na hindi ko alam kung anak pa ba ang turing sa akin...dahil sa naisip ko lalo lang bumigat ang pakiramdam ko pero pinilit kong maging okay para hindi na mag-alala si Mang Damian.
"Salamat po tay, ayos lang po ako may kaunting problema lang po pero maaayos din po 'yon."
"May hindi ba kayo pagkakaunawaan ng boyfriend mo? Abah eh,pagusapan n'yo na ng maaga iyan para hindi na lumaki pa,mas okay 'yon anak keysa lumala pa."
Kahit na naguguluhan ang isip ko ay hindi ko naiwasan paginitan ng pisngi nung banggitin n'ya ang boyfriend,kahit na alam naman nila ang tungkol kay Andrick hindi ko pa din talaga maiwasan na hindi mahiya pagpinag-uusapan ang boyfriend ko,hindi sa ikinahihiya ko s'ya,naalala ko lang kung paano s'ya nageffort nun sa panliligaw sa akin,at pati na nga sila na mga kasama ko sa bahay ay nililigawan n'ya at mga kinikilig din,
"Opo tay,kakausapin ko nga po s'ya ngayon eh,ako po kasi ang may kasalanan kaya ako po ang aayos nito." proud kong sagot kay Mang Damian,napangiti at napatango naman s'ya,mukhang may sasabihin pa sana kaso nandito na kami sa tapat ng school kaya hindi na naituloy.
"Salamat po Tay," sabi ko bago bumaba ng sasakyan,hindi ko na kasi hinihintay na pagbuksan pa ako simpleng bagay lang kasi 'yon at kayang-kaya ko naman.
"Cge hija,mag-iingat ka.At wag kang masyadong mag-alala,mahal na mahal ka naman ng boyfriend mo na 'yon eh,kahit hindi mo s'ya kausapin,s'ya na mismo ang lalapit sayo." napangiti na lang ako sa sinabi ni Tatay,sana nga,sana nga maging okay na kami.
_____
Nakalipas na ang ilang oras na nandito ako sa school pero hanggang ngayon hindi pa kami nagkakausap ng boyfriend ko,hindi pa kasi kami nagkikita at hindi ko rin alam kong papasok s'ya,actually wala naman talaga kaming masyadong klase ngayon dahil mageend na ang semister at nakapagfinal naman na.
Pumasok nga ako because of him dahil alam kong dito ko s'ya makikita at makakausap pero ito nga aabutin na lang ako ng lunch dito sa tambayan namin sa labas,hanggang ngayon wala pa s'ya.
And yeah,as expected mag-isa nga lang ako dahil wala nga si Cecile at Mikah,nagtext naman sila kahit late na,na hindi daw sila pumasok kasi wala naman daw gagawin,pero alam kong nagdadahilan lang sila para hindi magkaharap at buti na lang talaga nakapagfinal na bago sila maharap,kami pala sa ganitong sitwasyon kaya hindi masyadong maaapektuhan ang studies namin.