Paalam

107 11 0
                                    

Sa mundong ito ay walang pirmanente
Lahat nagbabago at naglalaho kahit na ito ay importante
Kahit na anong laban ang gawin natin dito
Hindi pa rin natin mapipigilan ito
Gaya na lang ng paglisan ng ating minamahal sa mundong ito
Na kahit kailan ay hindi natin naisip na mangyayari to
Paano nga naman papasok sa ating isipan na aalis siya?
Kung puro kasiyahan ang ating nadarama sa tuwing siya ay kasama
Ginawa ko ang tulang ito
Para mapabatid ang pamamaalam ko sayo
Kahit na ito ay labag man sa aking kalooban
At kung ito ay iyong napagdesyisyonan
Nais ko na ika'y pigilan
Ngunit natatakot ang pusong di mapagtagumpayan
Kaya ang naisip na mabisang paraan
Ay ika'y akin na lamang suportahan
Basta isa lang ang gagawin ko
Ito ay handa akong maghintay sa pagbabalik mo
Pero sa ngayon kailangan kong harapin ang paglisan mo
At ang mga susunod na araw na wala ka sa piling ko
Sana sa paglisan mong ito ay di mawala sa isipan at puso mo na mayroong AKO na naghihintay sa pagbabalik mo

PoeticaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon