Ginawa ko to nung April 5 , 2017 ito din yung pangalawang nagawa kong tula. Hindi ko pa nahahanap yung pinaka unang tulang nabuo ko.
I
Ayaw nang masaktan
Matagal na pinag isipan
Pero bakit ika'y di makalimutan
Damdamin para sayo ay di mapigilan
II
Sumasaya sa tuwing kausap ka
Ano bang meron ka?
Di ka magawang tiisin
Di ka magawang di kausapin
III
Pero ika'y masaya na sa piling niya
Heto ako malungkot na nakatingin sa inyo
Siguro magiging masaya na lang ako para sa inyong dalawa
Pakakaingatan ko na lang ang mga ala-ala ko sayo
IV
Alaalang magkasama nating binuo
Alaalang tumatak sa aking puso
Alaalang di na maaalis sa aking isipan
Alaalang kahit kailan ay di naisip na ganito ang kahahantungan
BINABASA MO ANG
Poetica
PoezjaMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.