Paano
Paano nga ba wawakasan
Ang istoryang hindi naman nasimulan
Saan ba ako mag uumpisa?
Sa huli o sa simula?Sige ganto na lamang
Makinig kang mabuti dahil ito'y minsan lang
Ating simulan kung saan tayo ay nagkakakilala
At noong tayong dalawa ay masaya paSa tuwing kasama ka tila di nauubos ang kasiyahang nadarama
Tila gusto kong patigilin ang oras upang makasama ka pa
Mga yakap at halik mo pa nga ay hinahanap hanap tuwina
At sa pagtulog at pag gising gusto ay ikaw ang unang makitaPero paano nangyari ang lahat ng iyon ay tila naglaho na parang bula
Sa isang kisap lamang ng aking mata lahat ay nawala
Paanong lahat ng ating masasayang pinagsamahan ay isa na lang ala ala
Tila kay lungkot namang isipin na wala tayong nasimulang dalawa

BINABASA MO ANG
Poetica
PoetryMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.