Ako ay isang manunulat ng kwento na pinangarap na makabuo ng isang libro
Binibigyan sila ng buhay upang sila ay maging totoo
Ako'y isang ding mambabasa iniimagine na ako ang bida sa kwentong nabasa
Pero di ko alam na sa mundong to ay matatagpuan kitaDi akalain na magkakaroon ako ng sariling kwentong akin talaga
Ibig kong sabihin yung ako ang bida at ikaw ang kasama
Kwentong merong ikaw at ako
Mahal dito pa lang nagsisimula ang ating kwento
Kaya sana wag mo akong iwan
Mag aaway lang ngunit walang sukuanKahit tayo ay isang daang beses pang mag away tandaan mo
Isang milyon naman ang pagmamahal ko sayo
Sa paglipas ng panahon ay mas lalong yumayabong ang pagmamahal ko sayo
Bawat segundo ng oras ay ipaparamdam ko itoAng ating pag iibigan ay parang dagat na walang katapusan
Dahil kahit kelan man ay di kita susukuan
Ngunit tulad ng isang kwento sa libro mayroon din pa lang wakas ang mga ito
Magwawakas at magwawakas pala talaga ito katulad ng ating kwentoSa tuwing naalala luha ay nagbabadya nanamang tumulo kahit anong pigil ay ayaw mag paawat nito
Luha ng hinaing at sakit dulot ng naranasang pait
Pait na akala ko nung una ay matamis dahil sa mga salitang animo isang kending umaamo ng isang bata
Ngunit ako ay nagkamali dahil lahat ng pinakita mo ay may tinatago ka pa pala sa likod ng mga maamo mong mataBuhay ay sadyang di patas pagkadurog ng puso ang katumbas
Pikit matang kinakalimutan ang pagkabigo sa pangakong napako
Nakunteto na lang sa pag alala ng ating masasayang pag sasama ngunit di maipagkakaila ako ay nangungulila
Nangungulilala sa pagmamahal mo sinta saa mga yakap mong naging sandalan ko noong ako'y nag iisaSa mga halik at haplos mong nagparamdam sa akin na di dapat ako matakot dahil anjan ka
Sa bawat araw na nagdaan ay hindi ka pa rin makalimutan bakas ng iyong iniwan kailanman aking di malilimutan
Tayong dalawa ay nag sumpaan na pang habangbuhay na kaligayahan
Sumpaang aking pinanghahawakan ngunit isang sumpaang madali mong sinukuanSabi mo noon walang iwanan pero ika'y nawala ng biglaan
Walang paliwanag na naiwan maliban sa ating nakaraan
Paano ako makakaahon? Kung ikaw na mismo ang tumulak sa akin sa balon
Balon na puno ng sakit at hinagpis wala akong magawa kundi ang tumangisIisa lang ang naisip na paraan para ika'y akin nang makalimutan
Nais nang wakasan ang pagpapantasya na dati ay iyong binigyang pag asa
At dito nagtatapos ang ating kwentong dalawa.

BINABASA MO ANG
Poetica
PoésieMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.