Magandang gabi sayo
Bakit ka nag iisa jan sa dulo?
At tila ikaw pa ay nalulugmok sa kalungkutan
Maari ba akong tumabi sayo at makipagkwentuhan upang iyong problema ay malimutan?Ako nga pala si Ry na inosente
Alam mo ba na ang mga kaibigan ko para sa akin ay importante
At sila ay pinapahalagahan ko ng buong buo
Na kapag sila ay nawala madudurog ang aking pusoKaibigan abutin mo ang aking kamay halika na!
Ika'y huwag nang mahiya pa
Ika'y sasamahan ko saan mo pa gusto
Ipaparamdam ko na ika'y di nag iisa sa mundong itoAko ang magiging sandalan mo sa problema't iyakan
Ako din ang karamay mo sa mga nakakabaliw mong kalokohan
Na para bang tayo ay magkapatid na tunay
Ikay aking sasamahan sa malungkot o masaya mong buhay
BINABASA MO ANG
Poetica
PoetryMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.