Ako lang ba ang nakakaramdam ng ganitong kalagayan?
Yung hindi maintindihan kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman?
Yung pakiramdam na bigla na lang ako mapapatulala tapos sa lahat ng bagay na dati ay gustong gustong gawin bigla na lang mawawalan ng gana.
Maya maya naman bigla na lang maiinis sa aking sarili. Tapos yung dating saya at ngiti saking labi ay napalitan ng kalungkutang hindi ko mawari.
Madami ang umiikot na mga katanungan sa aking isipan na maski ako ay hindi ko alam ang tamang kasagutan.
Ako lang ba yung bigla bigla na lang makakaramdam ng matinding kaba at pagsikip ng dibdib?
Pati matagal na pagkabalisa ay akin ding nararamdaman. Bigla na lang din matatakot sa bagay na hindi naman dapat katakutan.
Ako lang ba yung natatakot kumausap ng iba at sabihin ang kalagayan dahil baka hindi nila maintindihan at baka husgahan.
Ayokong masabihan ng baliw at papansin dahil hindi naman isang kabaliwan itong aking nararamdaman.
Ako lang ba yung nakakaramdam na wala akong kwenta? Na wala na akong pag asa?
Ako lang ba?
...
BINABASA MO ANG
Poetica
PoetryMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.