Ito yung una kong gawa na tula.
I
Ako ay nahulog ng di sinasadya
Di makatingin ng diretso sa iyong mga mata
Sa tuwing lalapit ay kakaiba ang nadarama
Aking pagmamahal ay nais sayo ipadama
II
Di mapakali sa isang tabi
Panay ang tingin sa iyo
Mga katagang di masabi
Hanggang pagtingin na lang ba ako?
III
Isang pangarap na di alam kung makakamtan pa
O isang imahinasyon na lang ba
Kumpleto na ang araw kapag siya'y makasama
Pero ayoko nang umasa
IV
Pagod na akong magpakatanga
Hanggat maaga pa puso'y isasalba
Ika'y aking kakalimutan
At magsisimula ng bagong kinabukasan

BINABASA MO ANG
Poetica
PoetryMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.