(RPW)

34 1 3
                                    

[15 STANZA POEM]

Naalala ko pa noong mga unang araw ko pa sa mundong ito
Masaya oo pero dahil sa likas na mahiyain ako
Madalang lang ako makipag usap sa iba
Kahit pa na gusto kong kausapin sila ay di ko magawa

Kahit paano naman ay mayroon akong kaibigan
Yun nga lang ay di pang matagalan
Paano konting problema lang dito sila agad ay lumilisan
Kaya ako ayun laging napag iiwanan

Isa na rin yun siguro sa mga dahilan kung bakit ilag ako sa iba
Minsan pa'y napagkakamalang masungit at suplada
Pero ito'y di ko na pinansin pa
At pinagpatuloy ang buhay sa mundong ito na mag isa

Hanggang sa nakilala kita
Sa tuwing naaalala ko kung paano at saan tayo nagkakilala
Di ko mapigilan na humagalpak ng tawa
Iisipin nila na nabaliw na siguro ako kung ako ay kanilang nakita

Akala ko pa nga noon ay isa kang babaero
Tila fuck boy kasi ang pormahan mo
At ang aura ay tila isang manloloko
Pero lahat pala ng akala ay di totoo

Mahal , kita mo nga naman pangalawang buwan na ano
Magmula ng ibigay ko sayo ang matamis na oo
Parang kailan lang ika'y nangungulit pa
Kay bilis talaga ng panahon hindi ba ?

Ako talaga ay nagpasalamat dahil ika'y aking nakilala
At higit sa lahat ay akin pang naging kapareha
Sobra akong proud sayo kung sino ka ba talaga
Dahil ikaw ay nagpapakatotoo sa iyong sarili at ako ay iyong napapasaya

Wala na atang paglalagyan ang aking kaligayahan
Paano ba naman ako ay tuwang tuwa maging sa iyong kalokohan
Di ko alam kung anong mangyayari sa akin sa mundong ito kung wala ka
Siguro ako ay mananatili pa ding mag isa

Ako din pala ay nagpapasalamat kay Kupido
Dahil hindi siya nagkamali sa pagpana sa akin at sayo
Di ko mapigilan ang kilig ko habang ginagawa ang tulang ito
Daig mo pa ang asukal sa tamis na meron ka sa katawan mo

Alam mo bang hindi na ako umaasang may katulad mo pa sa mundong ito?
Yung baliw pero maeffort , yung madaming alam na kalokohan pero nagsasabi naman ng totoo
Ikaw yung tipo na mahirap na tanggihan
Dahil jan sa taglay mong kakyutan

Alam mo ba simula ng makilala kita sa mundong ito
Ang dating boring at walang kulay kong pananatili dito ay nabago
At ito ay nagkaroon ng iba't ibang kulay
Kulay na nagpabago sa aking buhay

Mahal pakatatandaan mo sana
Na sa tuwing ika'y may problema
Ako ay nandito lang sa iyong tabi
Ako na handa kang samahan at damayan palagi

Huwag mo sanang isipin na ika'y aking iiwanan
At iyong tandaan na ang aking pag ibig para sayo ay walang hangganan
Humarang man si kamatayan
Lahat ng problemang dadating ay ating kakayanin at lalagpasan

Hawakan ang aking mga kamay
At ating magkasamang harapin ang bukang liwayway
Ika'y huwag ng matakot na muling mapag isa
Dahil sa mundong ito ay ako na ang iyong karamay at kasama

Ika'y huwag nang mangamba
Ang iwanan ka ang huli kong gagawin sinta
Sapagkat ang puso ko ay nakakadena na sa iyo
At ang iyong presenya lamang ang hinahanap ng puso ko ❤

---
AUGUST 15 , 2017 KO ITO SINULAT WOW SUMAKTO SA BIRTHDAY KO ANO NATIN DATI HAHAHAHA! AGAIN SAYANG KASI KUBG BUBURAHIN KO KAYA DITO KO NA LANG NILAGAY

PoeticaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon