Para Sayo

75 10 0
                                    

Alas tres ng hapon ng mapag isipan na gawan ka ng tula
Tula na para sayo lang at hindi para sa iba
Katulad ng pagmamahal ko sayo
Para sayo lang at hindi para sa ibang tao

Ang puso ko ay nakalaan lang para sayo oh aking sinta
Hindi papaagaw kahit kanino man pilitin man nila
Di papadaig sa tuksong lumalapit
Kahit kanino man di kita ipagpapalit

Maisip ko pa lang na sa iba kang kandungan
Mas nanaisin ko pang magpakulong sa kulungan
Kesa mabuhay ng mag isa na wala ka
Kaya mahal gagawin ko lahat para sayo at wala nang hihilingin pa

PoeticaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon