Alam ko na ito pa lang ang ating simula
Simula ng ating mumunting istorya
At ito din ang ating simula upang bumuo ng isang maliit na pamilya
Na kinalaunan ay dadami at yayabong pa
Ito ang simula ng ating mga kasiyahan
Na ating dalawang masiglang pagsasaluhan
Ito din ang simula ng ating maliliit at malalaking problema at kalungkutan
Pero itong darating na pagsubok ay atin lamang lalampasan
Alam ko na ang simula ay may wakas din
Kung saan ang dalawang tao ay maghihiwalay rin
Pero ang aking tanging dasal sa itaas
Ay yung makasama pa din kita hanggang sa wakas

BINABASA MO ANG
Poetica
PoetryMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.